LOGINTahimik ang buong mansiyon. Hindi tulad ng dati— mas mabigat ang hangin. Mas alerto ang bawat galaw. Sa labas ng gate, isa-isang huminto ang tatlong itim na sasakyan. Bumaba ang mga lalaking naka-itim na suit. Hindi ordinaryong security— halata sa tindig pa lang. Disiplinado. Sanay. Mapanganib kung kinakailangan. Sa loob ng bahay, nakatayo si Mariel sa tabi ng bintana. Pinagmamasdan niya ang pagdating ng mga ito. “Craig…?” mahina niyang tawag. Mula sa likod niya— naroon si Craig, kalmado pero mas matalas ang aura kaysa dati. “Private police,” maikli niyang sagot. Lumapit siya sa bintana. Pinagmasdan ang mga tauhan. “Handpicked. Hindi sila basta-basta bumibigay.” Napalunok si Mariel. “Ganun na ba kalala?” Saglit na hindi sumagot si Craig. Pero ang mata niya— hindi umaalis sa labas. “…hindi pa,” mahina niyang sabi. “Pero magiging gano’n.” Tahimik. Sa labas, mabilis na kumilos ang mga tauhan— may nag-check ng perimeter, may naglagay n
Tahimik ang umaga. Parang walang nangyari. Walang bakas ng kaguluhan. Walang sirena. Walang takot. Sa loob ng mansiyon—maayos ang lahat. At si Mariel… nakasuot ng simpleng office attire, hawak ang mga folder, dahan-dahang naglalakad papunta sa opisina ni Craig. Parang normal na araw. Parang dati. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang malinis na mesa. Nakapatong ang mga dokumento na kailangang ayusin. May mainit pang kape sa gilid—parang kakalagay lang. Napahinto siya. “...Huh?” Hindi niya maalala kung sino ang naglagay noon. Pero umiling siya. “Siguro… iniisip ko lang lahat.” Umupo siya sa upuan. Binuksan ang laptop. Emails. Meetings. Schedules. Normal. Sobrang normal. At si Craig— bumukas ang pinto. Napatingin si Mariel. Nakatayo doon si Craig. Maayos na ang tindig. Walang sugat. Walang bakas ng nangyari kagabi. Parang… walang nangyari. “Good morning,” kalmado niyang sabi. Nanlaki ang mata ni Mariel
Humahapdi ang bawat hakbang, pero hindi tumigil sina Mariel at Craig. “Konti na lang…” hingal ni Mariel habang halos buhat na niya si Craig. “Kaya mo pa?” tanong niya, puno ng pag-aalala. Tumango si Craig kahit nanginginig na ang katawan. “Kailangan… makauwi tayo.” Sa dulo ng madilim na kalsada, isang itim na sasakyan ang biglang huminto sa harap nila. Napaatras si Mariel. “Craig—” Pero bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pinto. “Sir!” Isang pamilyar na boses. Lumabas ang driver ni Craig—si Mateo. “Buti naabutan ko kayo! Mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan, sumakay na kayo!” sigaw nito. Hindi na nag-aksaya ng oras si Mariel. Tinulungan niyang makapasok si Craig sa likod ng sasakyan, saka siya sumunod. “Drive,” mahina pero utos na sabi ni Craig. Umugong ang makina. Umandar ang sasakyan palayo sa ospital— palayo sa panganib. Sa loob ng kotse, tahimik. Tanging hingal ni Craig at mabilis na tibok ng puso ni Mariel ang maririnig.
Biglang nanigas ang buong katawan ni Mariel. “Anong sinabi mo…?” mahina pero puno ng takot niyang tanong. Hindi sumagot ang babae. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Craig, parang walang anumang banta sa kilos niya—pero ang mga mata niya, malamig. Walang emosyon. “Ang tagal ka naming hinanap,” bulong niya habang tinitingnan si Mariel mula ulo hanggang paa. “Akala namin patay ka na… tulad ng iba.” “Lumayo ka sa kanya!” sigaw ni Mariel habang mabilis na tumayo at humarang kay Craig kahit nanginginig ang tuhod niya. Ngumiti ang babae. “Brave,” sabi nito. “Pero wala kang ideya kung ano ka talaga.” Biglang— BEEP! BEEP! BEEP! Nagwala ang monitor ni Craig. “Craig!” napasigaw si Mariel habang hinawakan siya. Pero bago pa siya makagalaw— SWOOSH! Mabilis na in-inject ng babae ang isang malinaw na likido sa IV line ni Craig. “Ano’ng ginawa mo?!” galit at takot na sigaw ni Mariel. “Relax,” sagot ng babae, halos pabulong. “Hindi pa na
Nakatulala lang si Mariel sa makapal na salamin ng ICU. Tahimik ang buong hallway maliban sa mahinang tunog ng heart monitor mula sa loob. BEEP… BEEP… BEEP… Nakahiga si Craig sa hospital bed. May oxygen mask pa rin siya at nakakabit sa iba’t ibang makina, pero mas maayos na ang tibok ng puso niya ngayon. Stable na. Ligtas na. Ipinikit ni Mariel ang mga mata niya sandali habang mahigpit na nakakakuyom ang mga kamay niya. “Bakit ba nagkakaganito…” mahina niyang bulong sa sarili. Parang gusto nang sumabog ng isip niya sa dami ng nalaman niya sa iisang gabi lang. Room 731. Ang mga magulang niya. Mga eksperimento. Mga taong gustong pumatay sa kanila. At si Craig… Bakit siya nadamay? Dahan-dahan siyang napasandal sa malamig na pader. “Ano ba talaga ang nangyayari…” sabi niya sa isip habang pilit inaalala lahat. Naalala niya ang mukha ng mama niya noon. Laging takot. Laging lumilingon sa likod nila kapag nasa labas. Ayaw sa ospit
Parang tumigil ang tibok ng puso ko. “Experiments…?” halos pabulong kong tanong. Hindi agad sumagot ang detective. Pinunasan niya ang dugong umaagos mula sa sentido niya bago siya sumilip sa maliit na bintana ng pinto. Sa labas— patuloy ang kaguluhan. May sigawan. May putukan. At bawat segundo, parang mas lumalapit ang panganib. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa akin. “Ten years ago,” mahina niyang sabi, “may mga batang nawawala rito sa lungsod. Isa-isa. Walang katawan. Walang lead. Hanggang sa may anonymous report na dumating sa task force.” Humigpit ang hawak ko sa susi. “Ang report na iyon… nagtuturo sa hospital na ’to.” Nanlamig ang balat ko. “Hindi puwedeng—” “May underground facility sa ilalim ng east wing noon.” Nanginginig ang boses niya. “Officially, closed na iyon dahil sa fire incident. Pero ang totoo—” BIGLANG may malakas na pagsabog sa labas. BOOOOM! Niyanig ang buong silid. Napatili ako habang nalaglag ang ilang kagamitan m
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






