Lia POV “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Labas!” Halos tumalbog ang puso ko nang ibato ni Tito Gardo ang huling plastic bag na naglalaman ng mga lumang damit ko sa basang semento ng garahe. Kasunod niyon ay ang maleta kong sira na ang isang gulong. Tumama iyon sa binti ko, sapat para mapadaing ako sa sakit, pero hindi ko nagawang dumaing nang malakas. “Tito, gabi na po. Maulan,” pakiusap ko. Halos pabulong na lang ang boses ko dahil sa panginginig. “Kahit bukas na lang po. Wala akong mapupuntahan ngayon.” Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay namumula sa galit—o baka sa alak na ininom niya kanina. “Wala akong pakialam! Dalawang taon kitang pinatira rito, Lia. Pinakain, pinatulog. Pero anong ibinalik mo? Iyong sahod mo sa call center, kulang pa sa konsumo mo rito!” “Binibigay ko naman po halos lahat sa inyo,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses kahit naiiyak na ako. “Pati yung natitirang ipon ni Papa para sa pag-aaral ko, kinuha niyo na rin sa drawer ko kanina.”
Última atualização : 2026-04-23 Ler mais