MasukLia POV
Nanigas ako sa posisyon ko. Ang salitang "may-ari" ay parang bombang sumabog sa pandinig ko. Masyadong malapit ang mukha ni Julian, sapat para maamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa bewang ko, isang hawak na hindi lang basta pansalo, kundi parang nagmamarka.
Dahan-dahan kong itinulak ang dibdib niya. Matigas iyon, parang pader na hindi matitibag.
“Bitawan mo ako,” mahina pero madiin kong sabi.
Hindi siya agad kumilos. Nanatili ang tingin niya sa akin, bumababa sa labi ko bago muling bumabalik sa mga mata ko. Parang may kung anong tinitimbang sa loob niya. Pagkalipas ng ilang segundo, dahan-dahan niyang binitiwan ang bewang ko at umatras nang isang hakbang.
Inayos ko ang suot kong damit, pilit na ibinabalik ang dignidad na tila nawala sa isang iglap. “Huwag mo ulit sasabihin iyon. Hindi mo ako pag-aari. Iniligtas mo lang ako, hindi mo ako binili.”
Kinuha niya ang cellphone ko na nasa table at muling tiningnan ang screen bago ito binitiwan nang padabog. “The fact that you’re staying under my roof, eating my food, and wearing my clothes... it means you’re mine to protect, Lia. And that includes protecting you from losers like that Renz.”
“He’s not a loser. Busy lang siya,” depensa ko, kahit ang totoo ay masakit pa rin sa loob ko ang pag-seen zone niya sa akin kagabi.
“Busy? Busy siya habang ikaw ay nanginginig na sa ulan?” Natawa si Julian, isang maikling tawa na puno ng pang-uuyam. “Lia, grow up. Kung mahal ka ng isang lalaki, hindi ka niya iiwan sa ganoong sitwasyon. No excuses.”
Hindi ako nakasagot. Gusto kong magalit pero alam kong tama siya. Mas masakit lang pakinggan dahil galing sa kanya—isang taong halos hindi ko na kilala.
“Huwag mo nang hawakan ang phone mo tonight,” dagdag pa niya habang naglalakad patungo sa bar counter ng sala niya. Nagsalin siya ng whiskey sa baso. “Magpahinga ka na.”
“Paano kung ayaw ko?” hamon ko sa kanya. Tumayo ako nang tuwid at tiningnan siya.
Huminto siya sa pag-inom at dahan-dahang lumingon. “What did you say?”
“Sabi ko, paano kung ayaw kong matulog? Paano kung gusto kong lumabas at puntahan si Renz?”
Ibinaba niya ang baso sa counter. Ang tunog ng pagbagsak ng glass sa marble ay nagpatahimik sa buong sala. Lumakad siya palapit sa akin—hindi mabilis, pero bawat hakbang ay may dalang bigat. Napapaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na dingding.
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko, kinukulong ako sa pagitan ng mga braso niya.
“Try to step out of that door, Lia, and see what happens,” bulong niya. Masyadong malapit ang mukha niya. “I’m trying to be patient here. I’m trying to be the ‘Kuya’ you remember. But don’t push me.”
“Bakit ba ang higpit mo?” tanong ko, ramdam ko ang init na umaakyat sa leeg ko. “Bakit parang... parang galit na galit ka?”
Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata niya. Lumambot nang konti, pero may halong lungkot na hindi ko maipaliwanag. “Dahil nakikita kita sa kanya.”
“Sa kanino?”
“Sa tatay mo. Kay Tito Luis,” sagot niya, at sa pagkakataong ito, binitiwan niya ang dingding at lumayo uli. “Siya ang nagturo sa akin ng lahat. At bago siya mawala, ang tanging hiling niya ay huwag kitang hahayaang mapariwara. So, excuse me if I’m overstepping. Pero hinding-hindi ko hahayaang saktan ka lang ng kung sino-sinong lalaki.”
Nakahinga ako nang maluwag nang mawala ang presensya niya sa harap ko. Pero may kung anong kirot sa dibdib ko nang mabanggit niya si Papa.
“Si Papa... madalas ka bang kausap noon?” mahina kong tanong.
Naupo siya sa mahabang sofa at hinilot ang sentido niya. Mukhang pagod na pagod na talaga siya. “Every week kaming nagtatawagan noong nasa States ako. He was so proud of you. Sabi niya, graduate ka na raw at magiging successful na writer. Hindi niya sinabi sa akin na naghihirap na pala kayo dahil sa mga utang ni Gardo.”
Lumapit ako at naupo sa dulo ng kabilang sofa. “Ayaw ni Papa na mag-alala ka. Sabi niya, malaki na ang naitulong mo sa amin noong nag-aaral pa ako.”
Tumingin siya sa akin. “I could have done more. I should have come home sooner.”
Nabalot kami ng katahimikan. Hindi yung awkward na katahimikan, kundi yung tipong pareho naming kinikilala ang bigat ng nakaraan. Pinagmasdan ko siya. Kahit mukhang galit siya kanina, bakas sa mukha niya ang tunay na pag-aalala.
“Julian,” tawag ko.
“Hmm?”
“Seryoso ka ba roon sa... hindi ako pwedeng magtrabaho?” tanong ko uli. “Kahit part-time lang? Para naman may sarili akong pera.”
Bumuntong-hininga siya at sumandal. “If it’s about money, I can give you whatever amount you want. Just tell me.”
“Hindi iyon ang point! Gusto ko ng independence. Ayokong habang-buhay na nakadepende sa’yo,” giit ko.
Tiningnan niya ako nang matagal. “Independence? You’re twenty, Lia. You don’t even have a place to stay. You don’t even have a phone that works properly.”
“Kaya nga ako magtatrabaho para magkaroon ng lahat ng iyon!”
“Fine,” sabi niya bigla, na ikinagulat ko. “Magtrabaho ka. Pero sa akin lang.”
“Sa’yo? Sa office mo?”
“No. Not in the office. Dito sa bahay. Be my personal assistant. You’ll manage my schedule, asikasuhin mo yung mga gamit ko, and occasionally, sumama ka sa akin sa mga events if I need a plus one.”
“Events? Pero wala akong alam sa mga ganyan,” kaba kong sabi.
“I’ll teach you. At least dito, alam kong safe ka. At least dito, makikita kita,” sabi niya habang nakatitig nang diretso sa akin.
“Magkano ang sweldo?” tanong ko, sinusubukang maging business-minded.
Napangiti siya nang konti. “Twice of what you were earning at the call center. Plus board and lodging.”
“Seryoso?” Nanlaki ang mga mata ko. “Ang laki naman noon para sa pag-aayos lang ng schedule.”
“It’s not just schedules, Lia. You’ll be on call 24/7. Kapag kailangan kita, dapat nandoon ka. Deals?”
Nag-isip ako. Mukhang okay na rin kaysa tumambay lang. At least, legal na pagtatrabaho ito at hindi palimos. Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands. “Deal.”
Imbes na makipag-shake hands, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako nang bahagya palapit. Hindi niya binitiwan ang palad ko. Hinaplos ng hinlalaki niya ang likod ng kamay ko. Ang balat niya ay magaspang pero nakaka-comfort.
“One more thing,” sabi niya, lumalim uli ang boses.
“Ano?”
“That Renz... block him. I don’t want to see his name on your phone ever again.”
Bumilis uli ang tibok ng puso ko. “Julian, hindi mo pwedeng diktahan ang personal life ko. Assistant mo lang ako, hindi girlfriend.”
Binitiwan niya ang kamay ko at tumayo na siya para pumasok sa kwarto niya. Huminto siya sa may pinto at lumingon nang may mapanlarong kislap sa mga mata na hindi ko maintindihan.
“We’ll see about that.”
Lia POV Maaga pa lang ay gising na ako. Sinubukan kong maging "professional" sa unang araw ko bilang personal assistant ni Julian. Nagsuot ako ng isa sa mga bagong damit na binili ni Manang para sa akin kahapon—isang beige na slacks at puting blouse na simple lang pero mukhang mamahalin. Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si Julian na nagkakape habang nakatitig sa laptop niya. "Good morning, Sir Julian," bati ko, medyo may halong pang-aasar ang tono. Tumingala siya, at bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ako. "Sir? We’re at home, Lia. Stop that." "Sabi mo trabaho ito, 'di ba? O, heto ang schedule mo for today based sa notebook na iniwan mo sa table kagabi," sabi ko sabay lapag ng isang leather-bound planner. "May board meeting ka ng 10 AM, tapos lunch with a client at 1 PM, then site visit sa Quezon City ng 3 PM." Isinara niya ang laptop niya at tiningnan ang planner. "You’re fast. Akala ko tatanghaliin ka ng gising." "Kailangan kong patunayan na worth it ang sweldo
Lia POV Nanigas ako sa posisyon ko. Ang salitang "may-ari" ay parang bombang sumabog sa pandinig ko. Masyadong malapit ang mukha ni Julian, sapat para maamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa bewang ko, isang hawak na hindi lang basta pansalo, kundi parang nagmamarka. Dahan-dahan kong itinulak ang dibdib niya. Matigas iyon, parang pader na hindi matitibag. “Bitawan mo ako,” mahina pero madiin kong sabi. Hindi siya agad kumilos. Nanatili ang tingin niya sa akin, bumababa sa labi ko bago muling bumabalik sa mga mata ko. Parang may kung anong tinitimbang sa loob niya. Pagkalipas ng ilang segundo, dahan-dahan niyang binitiwan ang bewang ko at umatras nang isang hakbang. Inayos ko ang suot kong damit, pilit na ibinabalik ang dignidad na tila nawala sa isang iglap. “Huwag mo ulit sasabihin iyon. Hindi mo ako pag-aari. Iniligtas mo lang ako, hindi mo ako binili.” Kinuha niya ang cellphone ko na nasa table at muling tiningnan ang screen bago ito bini
Lia POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig sa kisame ng guest room na malamang ay mas malaki pa sa buong apartment na tinirhan namin ni Papa noon. Ang lambot ng kama, ang bango ng mga kumot, pero pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang museum—natatakot akong gumalaw baka may masira ako. Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa malalaking bintana. Pagkatapos kong maligo at isuot ang hiniram na oversized shirt at jogging pants na pinahiram ni Manang, dahan-dahan akong bumaba. Naabutan ko si Julian sa dining area. Nakasuot na siya ng puting polo shirt na nakatupi hanggang siko, habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. May kape sa harap niya at isang platito ng prutas. Tumigil ako sa dulo ng hagdan, nag-aalinlangan kung lalapit ba ako o babalik na lang sa kwarto. “Lia? Huwag kang tumayo lang diyan. Come here, let’s eat,” sabi niya nang hindi man lang tumitingala. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tapat niya. Agad na lumapit si Manan
Lia POV “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Labas!” Halos tumalbog ang puso ko nang ibato ni Tito Gardo ang huling plastic bag na naglalaman ng mga lumang damit ko sa basang semento ng garahe. Kasunod niyon ay ang maleta kong sira na ang isang gulong. Tumama iyon sa binti ko, sapat para mapadaing ako sa sakit, pero hindi ko nagawang dumaing nang malakas. “Tito, gabi na po. Maulan,” pakiusap ko. Halos pabulong na lang ang boses ko dahil sa panginginig. “Kahit bukas na lang po. Wala akong mapupuntahan ngayon.” Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay namumula sa galit—o baka sa alak na ininom niya kanina. “Wala akong pakialam! Dalawang taon kitang pinatira rito, Lia. Pinakain, pinatulog. Pero anong ibinalik mo? Iyong sahod mo sa call center, kulang pa sa konsumo mo rito!” “Binibigay ko naman po halos lahat sa inyo,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses kahit naiiyak na ako. “Pati yung natitirang ipon ni Papa para sa pag-aaral ko, kinuha niyo na rin sa drawer ko kanina.”







