Share

KABANATA 2

Penulis: EUREKA
last update Tanggal publikasi: 2026-04-23 15:30:59

Lia POV

 Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig sa kisame ng guest room na malamang ay mas malaki pa sa buong apartment na tinirhan namin ni Papa noon. Ang lambot ng kama, ang bango ng mga kumot, pero pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang museum—natatakot akong gumalaw baka may masira ako.

 Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa malalaking bintana. Pagkatapos kong maligo at isuot ang hiniram na oversized shirt at jogging pants na pinahiram ni Manang, dahan-dahan akong bumaba.

 Naabutan ko si Julian sa dining area. Nakasuot na siya ng puting polo shirt na nakatupi hanggang siko, habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. May kape sa harap niya at isang platito ng prutas.

 Tumigil ako sa dulo ng hagdan, nag-aalinlangan kung lalapit ba ako o babalik na lang sa kwarto.

 “Lia? Huwag kang tumayo lang diyan. Come here, let’s eat,” sabi niya nang hindi man lang tumitingala.

 Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tapat niya. Agad na lumapit si Manang at nilagyan ang plato ko ng sinangag, itlog, at bacon.

 “Salamat po, Manang,” mahina kong sabi.

 Tiningnan ako ni Julian. Pinagmasdan niya ang suot kong damit na halatang malaki sa akin. “Kumusta ang tulog mo?”

 “Okay naman,” sagot ko habang pinaglalaruan ang tinidor. “Masyado lang malambot yung kama. Hindi ako sanay.”

 Narinig ko ang mahinang tawa niya. Inilapag niya ang tablet at uminom ng kape. “Masasanay ka rin. Anyway, I have to go to the office in an hour. Stay here. If you need anything, sabihan mo lang si Manang.”

 “Kuya Julian,” tawag ko bago pa siya bumalik sa binabasa niya. “Gusto ko sanang maghanap ng trabaho. Baka naman pwedeng kahit sa office mo na lang? Kahit taga-timpla lang ng kape o taga-xerox.”

 Ibinaba niya ang baso at tinitigan ako nang seryoso. “I told you last night, Lia. You don’t need to work.”

 “Pero hindi ko kayang nakatambay lang dito,” giit ko. Nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. “Hindi ako sanay na binibigyan lang ng lahat. Ayaw kong maging pabigat sa’yo.”

 “Pabigat? Do you think your presence here is a burden to me?” tanong niya. Sumandal siya sa upuan at pinagkurus ang mga braso.

 “Hindi naman sa ganoon... pero ano’ng sasabihin ng ibang tao? Na nakatira ako rito nang libre? Sampung taon tayong hindi nagkita, tapos bigla kang lilitaw at kukunin ako sa kalsada. It feels... weird.”

 “Let them talk,” simpleng sagot niya. “Lia, your father was like a brother to me. Before he passed away, I promised myself I’d look out for you. It’s just that I was away for a long time. Now that I’m back, I’m making up for those years.”

 Umiwas ako ng tingin. “Pero twenty na ako. Hindi na ako yung batang binibilhan mo ng lollipops noon.”

 Tumayo siya at lumapit sa pwesto ko. Napansin ko kung gaano siya katangkad kapag malapit. Inilagay niya ang isang kamay sa sandalan ng upuan ko, dahilan para mapatingala ako sa kanya.

 “I know you’re not a child anymore, Lia. Kitang-kita ko naman,” sabi niya sa boses na medyo mas mababa kaysa kanina. “But you’re still under my roof. And as long as you’re here, rules ko ang masusunod.”

 “So, bawal talaga akong magtrabaho?”

 “Focus on yourself first. You look exhausted. Buy some clothes today, Manang will go with you. Gagamitin mo yung card na iiwan ko sa table,” sabi niya bago tumalikod para kunin ang laptop bag niya.

 “Ayoko. May mga damit pa naman ako sa maleta,” pagtanggi ko agad.

 Tumigil siya sa pinto at lumingon uli. “Yung mga basang damit sa plastic bag? I told Manang to throw them away. They’re useless.”

 Nalaglag ang panga ko. “Tinapon niyo? Pero memories ko yung iba roon!”

 “You’ll make new ones. Mas magaganda,” sagot niya nang walang bakas ng pagsisisi. “Aalis na ako. Be good.”

 Naiwan akong mag-isa sa dining table, naiinis na ewan. Pagkaalis niya, lumapit si Manang sa akin at iniabot ang isang kulay gold na card.

 “Hayaan mo na si Sir Julian, Lia. Ganyan lang talaga iyon, mapilit pero mabait naman,” sabi ni Manang habang nagliligpit ng pinagkainan.

 “Masyado siyang bossy, Manang. Akala mo kung sino,” bulong ko.

 Lumipas ang maghapon na wala akong ginawa kundi maglibot sa bahay. Sinubukan kong tulungan si Manang sa pagdidilig ng halaman pero pinigilan niya ako. Sinubukan kong maglinis ng sala, kinuha niya ang basahan sa kamay ko. Pakiramdam ko ay isa akong mamahaling gamit na bawal madumihan.

 Bandang alas-siyete ng gabi nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Sumilip ako sa bintana at nakita ang SUV ni Julian. Bigla akong kinabahan na ewan. Inayos ko ang buhok ko bago siya pumasok sa main door.

 Pumasok siya na medyo maluwag na ang kurbata at gulo na ang buhok. Mukha siyang pagod pero gwapo pa rin—isang bagay na pilit kong iwinawaksi sa isip ko.

 “Did you buy clothes?” tanong niya agad pagkakita sa akin.

 “Hindi. Hindi ako lumabas,” sagot ko habang nakatayo malapit sa sofa.

 Bumuntong-hininga siya at ibinaba ang bag niya. “Lia, don’t start a fight with me tonight. I’m tired.”

 “Hindi ako nakikipag-away. Sinasabi ko lang na hindi ko kailangan ng bagong damit,” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “And why did you throw my things? Kahit luma na yung mga 'yon, sa akin 'yon.”

 Lumapit siya sa akin, dahan-dahan. Bawat hakbang niya, parang sumisikip ang distansya sa pagitan namin. Tumigil siya nang ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang amoy ng mint sa hininga niya.

 “Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ko tinapon?” tanong niya.

 “Bakit?”

 “Because looking at those rags reminds me of how much you suffered while I wasn't there. And I hate that feeling,” seryoso niyang sabi. Ang titig niya ay parang tumatagos sa akin.

 Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang galit ko kanina, biglang natunaw.

 “Julian...”

 “Just let me take care of you, Lia. Is it that hard to accept?” tanong niya uli. Hinawakan niya ang isang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko. Ang init ng daliri niya sa balat ko ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ko.

 Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon—ang basag na phone na muntik ko nang makalimutan. Isang text mula kay Renz.

 “Lia, sorry ngayon lang nakapag-reply. Busy lang sa work. Saan ka natulog? Hope you’re okay.”

 Hindi ko namalayang nakasilip pala si Julian sa phone ko. Nakita ko ang pagdidilim ng mukha niya nang mabasa ang pangalan ni Renz.

 “Sino 'yan?” tanong niya. Ang boses niya ay naging seryoso. 

 “Ah... si Renz. Kaibigan ko,” pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman niya na may boyfriend ako—hindi ko rin alam kung bakit.

 Bigla niyang hinablot ang phone mula sa kamay ko.

 “Hey! Ibalik mo sa akin 'yan!” sigaw ko habang sinusubukang abutin ang phone.

 Pero dahil mas matangkad siya, itinaas niya lang ang kamay niya. Binasa niya ang text bago uli tumingin sa akin. Ang panga niya ay nakatigas na ngayon.

 “Kaibigan? O yung lalaking pinag-makaawaan mo ng tulong kagabi habang nakaupo ka sa gitna ng ulan pero hindi ka sinagot?”

 Nanlaki ang mga mata ko. “Paano mo nalaman?”

 “Binasa ko ang messages mo kanina habang tulog ka. I had to know who failed you,” sabi niya nang walang kaabog-abog.

 “Ang kapal ng mukha mo! Privacy ko 'yan!” pilit ko pa ring inaabot ang phone ko pero hinarangan niya ako gamit ang isa niyang braso.

 Sa sobrang likot ko, nawalan ako ng balanse. Imbes na bumagsak sa sahig, nasalo niya ako sa bewang at napasandal ako sa dibdib niya. Doon ko naramdaman ang lakas ng tibok ng puso niya. Bigla akong nanigas. Ang mukha namin ay ilang pulgada na lang ang layo.

 Tiningnan niya ang labi ko, bago muling ibinalik ang tingin sa mga mata ko.

 “Hindi mo na kailangan ang lalaking 'to, Lia,” bulong niya.

 “Bakit mo ba ginagawa 'to? Sino ka ba sa akala mo?” tanong ko, halos paos na ang boses ko.

 “Ako ang may-ari na sa'yo ngayon.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 4

    Lia POV Maaga pa lang ay gising na ako. Sinubukan kong maging "professional" sa unang araw ko bilang personal assistant ni Julian. Nagsuot ako ng isa sa mga bagong damit na binili ni Manang para sa akin kahapon—isang beige na slacks at puting blouse na simple lang pero mukhang mamahalin. Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si Julian na nagkakape habang nakatitig sa laptop niya. "Good morning, Sir Julian," bati ko, medyo may halong pang-aasar ang tono. Tumingala siya, at bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ako. "Sir? We’re at home, Lia. Stop that." "Sabi mo trabaho ito, 'di ba? O, heto ang schedule mo for today based sa notebook na iniwan mo sa table kagabi," sabi ko sabay lapag ng isang leather-bound planner. "May board meeting ka ng 10 AM, tapos lunch with a client at 1 PM, then site visit sa Quezon City ng 3 PM." Isinara niya ang laptop niya at tiningnan ang planner. "You’re fast. Akala ko tatanghaliin ka ng gising." "Kailangan kong patunayan na worth it ang sweldo

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 3

    Lia POV Nanigas ako sa posisyon ko. Ang salitang "may-ari" ay parang bombang sumabog sa pandinig ko. Masyadong malapit ang mukha ni Julian, sapat para maamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa bewang ko, isang hawak na hindi lang basta pansalo, kundi parang nagmamarka. Dahan-dahan kong itinulak ang dibdib niya. Matigas iyon, parang pader na hindi matitibag. “Bitawan mo ako,” mahina pero madiin kong sabi. Hindi siya agad kumilos. Nanatili ang tingin niya sa akin, bumababa sa labi ko bago muling bumabalik sa mga mata ko. Parang may kung anong tinitimbang sa loob niya. Pagkalipas ng ilang segundo, dahan-dahan niyang binitiwan ang bewang ko at umatras nang isang hakbang. Inayos ko ang suot kong damit, pilit na ibinabalik ang dignidad na tila nawala sa isang iglap. “Huwag mo ulit sasabihin iyon. Hindi mo ako pag-aari. Iniligtas mo lang ako, hindi mo ako binili.” Kinuha niya ang cellphone ko na nasa table at muling tiningnan ang screen bago ito bini

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 2

    Lia POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig sa kisame ng guest room na malamang ay mas malaki pa sa buong apartment na tinirhan namin ni Papa noon. Ang lambot ng kama, ang bango ng mga kumot, pero pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang museum—natatakot akong gumalaw baka may masira ako. Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa malalaking bintana. Pagkatapos kong maligo at isuot ang hiniram na oversized shirt at jogging pants na pinahiram ni Manang, dahan-dahan akong bumaba. Naabutan ko si Julian sa dining area. Nakasuot na siya ng puting polo shirt na nakatupi hanggang siko, habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. May kape sa harap niya at isang platito ng prutas. Tumigil ako sa dulo ng hagdan, nag-aalinlangan kung lalapit ba ako o babalik na lang sa kwarto. “Lia? Huwag kang tumayo lang diyan. Come here, let’s eat,” sabi niya nang hindi man lang tumitingala. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tapat niya. Agad na lumapit si Manan

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 1

    Lia POV “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Labas!” Halos tumalbog ang puso ko nang ibato ni Tito Gardo ang huling plastic bag na naglalaman ng mga lumang damit ko sa basang semento ng garahe. Kasunod niyon ay ang maleta kong sira na ang isang gulong. Tumama iyon sa binti ko, sapat para mapadaing ako sa sakit, pero hindi ko nagawang dumaing nang malakas. “Tito, gabi na po. Maulan,” pakiusap ko. Halos pabulong na lang ang boses ko dahil sa panginginig. “Kahit bukas na lang po. Wala akong mapupuntahan ngayon.” Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay namumula sa galit—o baka sa alak na ininom niya kanina. “Wala akong pakialam! Dalawang taon kitang pinatira rito, Lia. Pinakain, pinatulog. Pero anong ibinalik mo? Iyong sahod mo sa call center, kulang pa sa konsumo mo rito!” “Binibigay ko naman po halos lahat sa inyo,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses kahit naiiyak na ako. “Pati yung natitirang ipon ni Papa para sa pag-aaral ko, kinuha niyo na rin sa drawer ko kanina.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status