Share

KABANATA 4

Penulis: EUREKA
last update Tanggal publikasi: 2026-04-23 15:35:07

Lia POV

  Maaga pa lang ay gising na ako. Sinubukan kong maging "professional" sa unang araw ko bilang personal assistant ni Julian. Nagsuot ako ng isa sa mga bagong damit na binili ni Manang para sa akin kahapon—isang beige na slacks at puting blouse na simple lang pero mukhang mamahalin. Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si Julian na nagkakape habang nakatitig sa laptop niya.

  "Good morning, Sir Julian," bati ko, medyo may halong pang-aasar ang tono.

  Tumingala siya, at bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ako. "Sir? We’re at home, Lia. Stop that."

  "Sabi mo trabaho ito, 'di ba? O, heto ang schedule mo for today based sa notebook na iniwan mo sa table kagabi," sabi ko sabay lapag ng isang leather-bound planner. "May board meeting ka ng 10 AM, tapos lunch with a client at 1 PM, then site visit sa Quezon City ng 3 PM."

  Isinara niya ang laptop niya at tiningnan ang planner. "You’re fast. Akala ko tatanghaliin ka ng gising."

  "Kailangan kong patunayan na worth it ang sweldo ko," sagot ko habang nagsasalin ng orange juice. "Anyway, kailangan mo ba ng kasama sa site visit? Sabi mo 24/7 ako."

  "Hindi na muna. Stay here and organize my study room. Masyado nang magulo ang mga files ko roon. Manang will help you if you need something heavy lifted," sabi niya habang tumatayo. Kinuha niya ang coat niya sa sandalan ng upuan at isinuot ito.

  Bago siya lumabas, lumapit siya sa akin. Akala ko lalampasan niya lang ako, pero huminto siya sa tapat ko. Inayos niya ang kwelyo ng blouse ko na medyo nakatiklop. Ramdam ko ang init ng mga daliri niya malapit sa leeg ko, at awtomatiko akong napahinto sa pag-inom.

  "Wear something comfortable later. Pagbalik ko, may pupuntahan tayo," bilin niya.

  "Saan?" tanong ko.

  "Basta. Huwag ka nang maraming tanong. And Lia... avoid using your phone too much. Work first," sabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

  Napasandal ako sa counter nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya. "Grabe, pati phone ko kontrolado," bulong ko sa sarili ko.

  Ginugol ko ang buong umaga at hapon sa pag-aayos ng study room niya. Sobrang daming folders, blueprints, at mga papeles na puro tungkol sa construction at real estate. Habang nag-aayos, napansin ko ang isang frame sa gilid ng table niya. Picture iyon ni Papa at ni Julian noong bata pa ako. Magkaakbay sila, parehong nakangiti. Parang ang gaan-gaan pa ng buhay noon.

  Napatigil ako nang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Renz sa screen. Tatlong missed calls at limang texts.

  “Lia, nasaan ka ba talaga? Pumunta ako sa bahay ng Tito mo, sabi niya pinalayas ka na raw. Bakit hindi ka nagsasabi?”

  “I’m worried. Mag-reply ka naman.”

  Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sumagot, pero naalala ko ang sinabi ni Julian. At higit sa lahat, naalala ko kung paano ako nanginginig sa ulan noong isang gabi habang hinihintay ang reply niya na hindi dumating. Ibinaba ko ang phone at nagpatuloy sa pag-aayos.

  Bandang alas-sais ng gabi nang dumating si Julian. Pagod na pagod ang hitsura niya, luwag na ang kurbata at bahagyang gulo ang buhok. Pero nang makita niya ako sa sala, parang nabuhayan siya.

  "Ready?" tanong niya.

  "Saan ba talaga tayo pupunta? Gabi na, ah," sabi ko habang kinukuha ang maliit kong bag.

  "Sa mall. Bibili tayo ng bago mong phone. I hate seeing that cracked screen of yours," simple niyang sagot.

  "Julian, sabi ko naman sa'yo, hindi ko kailangan—"

  "Lia, assistant kita. Paano kita matatawagan kung mamamatay na 'yang battery mo sa loob ng sampung minuto? Let's go," putol niya sa reklamo ko.

  Wala akong nagawa kundi sumunod uli. Sa loob ng mall, parang bodyguard ko si Julian. Hindi siya lumalayo sa tabi ko, at bawat shop na madaanan namin, tatanungin niya kung may gusto ako. Sa huli, dinala niya ako sa isang tech store at binilhan ako ng pinakabagong model ng smartphone.

  "Masyadong mahal 'to," bulong ko habang hawak ang box.

  "It’s a tool for work. Consider it an investment," sagot niya habang kinukuha ang credit card niya sa wallet.

  Habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, biglang may tumawag sa pangalan ko.

  "Lia!"

  Napatigil kami ni Julian. Nakita ko si Renz na tumatakbo palapit sa amin. Pawisan siya at mukhang galing pa sa trabaho. Nang makalapit siya, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bago lumipat ang tingin niya kay Julian.

  "Renz? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, medyo kinakabahan.

  "Kanina pa kita hinahanap. Pumunta ako sa inyo, sa work mo... sino siya?" tanong ni Renz, itinuturo si Julian.

  Hahakbang sana si Renz para hawakan ang braso ko, pero mabilis na humarang si Julian sa pagitan naming dalawa. Mas matangkad si Julian at mas malapad ang balikat, kaya parang lalong lumiit si Renz sa harap niya.

  "I'm her guardian. And who are you?" malamig na tanong ni Julian.

  "Guardian? Wala namang nababanggit si Lia na guardian," sagot ni Renz, pilit na tumitingin sa likod ni Julian para makita ako. "Lia, sumama ka na sa akin. May nahanap akong matutuluyan mo, sa pinsan ko muna."

  "Renz, okay lang ako. May trabaho na ako at maayos ang kalagayan ko," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sitwasyon.

  "Sa lalaking 'to? Lia, hindi mo siya kilala. Tara na," pilit pa rin ni Renz. Susubukan niya uli akong abutin pero hinawakan ni Julian ang braso niya ng madiin. 

  "She said she’s okay. Now, back off," banta ni Julian. Ang boses niya ay mababa pero puno ng banta.

  "Sino ka ba sa akala mo? Boyfriend ka ba?" bulyaw ni Renz.

  Tumitig si Julian nang diretso kay Renz. Isang matalim na titig. "I'm the person she called when you were too busy to care. Now, leave before I make you."

  Napako sa kinatatayuan si Renz. Tiningnan niya ako nang huling beses, bakas ang disappointment at galit, bago siya padabog na tumalikod at umalis.

  Naiwan kaming dalawa ni Julian sa parking lot. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinarap ko si Julian, na ngayon ay inaayos na ang coat niya na parang walang nangyari.

  "Bakit kailangang ganoon? Pwede naman nating kausapin nang maayos," sabi ko, medyo naiinis sa pagiging agresibo niya.

  Lumingon siya sa akin. Wala nang galit sa mga mata niya, pero nandoon pa rin yung authority. "I told you, Lia. People who fail you don't deserve a second chance in your life. Especially not when I'm around."

  "Pero hindi mo kailangang maging ganoon kabilis mag-react. Parang gusto mo siyang saktan," giit ko.

  Lumapit siya sa akin, hanggang sa maramdaman ko uli ang init ng presensya niya. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay. Ang hinlalaki niya ay dahan-dahang gumalaw sa ibaba ng mata ko.

  "Gusto ko siyang saktan dahil pinaiyak ka niya," bulong niya. "And I don't like it when people make my things cry."

  "Hindi mo ako 'thing', Julian," mahina kong sagot, bagaman hindi ako nakagalaw sa pwesto ko.

  "Then prove it. Stop being so affected by him," sabi niya bago binitiwan ang mukha ko. "Sumakay ka na sa kotse. Gutom na ako."

  Habang nasa biyahe kami pauwi, hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa bagong phone na binili niya. Bigla niyang binasag ang katahimikan nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

  "Lia, bukas may dinner meeting ako. I want you to be there. As my assistant, of course."

  "Okay. Anong isusuot ko?" tanong ko.

  "I already had something delivered to your room. Dress appropriately," sagot niya.

  Pagdating namin sa bahay, agad akong dinalo ni Manang. May dala siyang malaking paper bag. "Lia, heto yung pinapadala ni Sir. Isukat mo raw para malaman kung kailangan pang i-alter."

  Pumanhik ako sa kwarto at binuksan ang bag. Isang eleganteng black dress iyon. Simple pero halatang designer piece. Isinuot ko iyon at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ibang-iba ang hitsura ko. Hindi na ako yung babaeng basang-basa sa ulan.

  Biglang may kumatok sa pinto. "Lia? Is it done?" boses ni Julian iyon.

  Binuksan ko ang pinto. Nakatayo siya roon, nakasandal sa frame ng pinto, nakapamulsa. Nang makita niya ako sa suot kong dress, napansin ko ang bahagyang pagbuka ng bibig niya. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, at tumagal ang tingin niya sa neckline ng dress.

  "Bagay ba?" tanong ko, medyo naiilang sa titig niya.

  Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko, dahilan para mapaatras ako nang konti. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Tumigil siya sa harap ko at inayos ang isang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

  "It looks... dangerous on you," mahina niyang sabi.

  "Dangerous? Bakit?"

  "Because you look too good. At baka makalimutan kong assistant lang kita," sagot niya bago siya tumalikod at lumabas ng kwarto.

  Naiwan akong nakatayo roon, hawak ang dibdib ko na parang sasabog na sa bilis ng tibok. Sumunod ako sa hallway at tinawag siya. "Julian! Anong ibig mong sabihin?"

  Huminto siya sa tapat ng kwarto niya at lumingon, may maliit na ngisi sa mga labi.

  "Matulog ka na, Lia. Mahaba ang araw natin bukas."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 4

    Lia POV Maaga pa lang ay gising na ako. Sinubukan kong maging "professional" sa unang araw ko bilang personal assistant ni Julian. Nagsuot ako ng isa sa mga bagong damit na binili ni Manang para sa akin kahapon—isang beige na slacks at puting blouse na simple lang pero mukhang mamahalin. Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si Julian na nagkakape habang nakatitig sa laptop niya. "Good morning, Sir Julian," bati ko, medyo may halong pang-aasar ang tono. Tumingala siya, at bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ako. "Sir? We’re at home, Lia. Stop that." "Sabi mo trabaho ito, 'di ba? O, heto ang schedule mo for today based sa notebook na iniwan mo sa table kagabi," sabi ko sabay lapag ng isang leather-bound planner. "May board meeting ka ng 10 AM, tapos lunch with a client at 1 PM, then site visit sa Quezon City ng 3 PM." Isinara niya ang laptop niya at tiningnan ang planner. "You’re fast. Akala ko tatanghaliin ka ng gising." "Kailangan kong patunayan na worth it ang sweldo

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 3

    Lia POV Nanigas ako sa posisyon ko. Ang salitang "may-ari" ay parang bombang sumabog sa pandinig ko. Masyadong malapit ang mukha ni Julian, sapat para maamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa bewang ko, isang hawak na hindi lang basta pansalo, kundi parang nagmamarka. Dahan-dahan kong itinulak ang dibdib niya. Matigas iyon, parang pader na hindi matitibag. “Bitawan mo ako,” mahina pero madiin kong sabi. Hindi siya agad kumilos. Nanatili ang tingin niya sa akin, bumababa sa labi ko bago muling bumabalik sa mga mata ko. Parang may kung anong tinitimbang sa loob niya. Pagkalipas ng ilang segundo, dahan-dahan niyang binitiwan ang bewang ko at umatras nang isang hakbang. Inayos ko ang suot kong damit, pilit na ibinabalik ang dignidad na tila nawala sa isang iglap. “Huwag mo ulit sasabihin iyon. Hindi mo ako pag-aari. Iniligtas mo lang ako, hindi mo ako binili.” Kinuha niya ang cellphone ko na nasa table at muling tiningnan ang screen bago ito bini

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 2

    Lia POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig sa kisame ng guest room na malamang ay mas malaki pa sa buong apartment na tinirhan namin ni Papa noon. Ang lambot ng kama, ang bango ng mga kumot, pero pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang museum—natatakot akong gumalaw baka may masira ako. Maaga akong nagising dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa malalaking bintana. Pagkatapos kong maligo at isuot ang hiniram na oversized shirt at jogging pants na pinahiram ni Manang, dahan-dahan akong bumaba. Naabutan ko si Julian sa dining area. Nakasuot na siya ng puting polo shirt na nakatupi hanggang siko, habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. May kape sa harap niya at isang platito ng prutas. Tumigil ako sa dulo ng hagdan, nag-aalinlangan kung lalapit ba ako o babalik na lang sa kwarto. “Lia? Huwag kang tumayo lang diyan. Come here, let’s eat,” sabi niya nang hindi man lang tumitingala. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tapat niya. Agad na lumapit si Manan

  • ​Forbidden Possession: Owned by the Cold CEO   KABANATA 1

    Lia POV “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Labas!” Halos tumalbog ang puso ko nang ibato ni Tito Gardo ang huling plastic bag na naglalaman ng mga lumang damit ko sa basang semento ng garahe. Kasunod niyon ay ang maleta kong sira na ang isang gulong. Tumama iyon sa binti ko, sapat para mapadaing ako sa sakit, pero hindi ko nagawang dumaing nang malakas. “Tito, gabi na po. Maulan,” pakiusap ko. Halos pabulong na lang ang boses ko dahil sa panginginig. “Kahit bukas na lang po. Wala akong mapupuntahan ngayon.” Humarap siya sa akin, ang mukha niya ay namumula sa galit—o baka sa alak na ininom niya kanina. “Wala akong pakialam! Dalawang taon kitang pinatira rito, Lia. Pinakain, pinatulog. Pero anong ibinalik mo? Iyong sahod mo sa call center, kulang pa sa konsumo mo rito!” “Binibigay ko naman po halos lahat sa inyo,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses kahit naiiyak na ako. “Pati yung natitirang ipon ni Papa para sa pag-aaral ko, kinuha niyo na rin sa drawer ko kanina.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status