LOGINTumila na ang malakas na bagyo, ngunit ang malamig na simoy ng hangin ay patuloy na humahampas sa bintana ng tagong hotel room. Sumikat ang unang sinag ng araw, unti-unting nagbibigay ng liwanag sa madilim na silid.Idinilat ni Zara ang kanyang mga mata. Ang unang naramdaman niya ay ang matinding pagod ng kanyang katawan, ngunit kasunod nito ay isang kakaibang ginhawa na matagal na niyang hindi naranasan. Nakabalot siya sa makapal na puting comforter. Nang kapain niya ang kabilang gilid ng kama, malamig na ito.Mabilis na napabuntong-hininga si Zara, pilit na iwiniwaksi ang munting kaba sa kanyang dibdib. Pamilyar na sa kanya ang eksenang ito. Umupo siya at inilibot ang paningin.Nasa maliit na desk pa rin si Elian. Nakatalikod ito sa kanya, tahimik na nagta-type sa laptop, ang ilaw mula sa screen ay tumatama sa seryoso nitong mukha. Nakasuot na ito ng itim na t-shirt at maong pants. Pinagmasdan ni Zara ang malalapad na balikat ng binata, ang mga balikat na inako ang pinakamabigat na
Malakas ang buhos ng ulan nang makarating sila sa isang lumang ngunit tagong hotel sa kabilang dulo ng siyudad. Walang nakakakilala sa kanila rito. Ginamit ni Elian ang ID ng kanyang matalik na kaibigan upang makapag-check-in, nagbayad ng cash para walang maiwang digital footprint, at pinili ang kwartong nasa dulo ng hallway para sa dagdag na seguridad.Pagpasok nila sa kwarto, agad na ni-lock ni Elian ang pinto at isinara ang makakapal na kurtina. Walang nakapasok na liwanag mula sa labas. Tanging ang dim light ng lampshade ang nagbibigay ng ilaw sa paligid.Nanginginig si Zara. Basang-basa ang kanyang mga damit dahil sa tinakbo nila mula sa motor papasok sa lobby. Pero higit sa lamig ng ulan, ang nangingibabaw sa kanya ay ang takot. Takot para sa sarili, at mas matinding takot para sa buhay ng lalaking kasama niya ngayon.Kumuha si Elian ng tuwalya mula sa banyo at mabilis na lumapit sa kanya. Marahan nitong pinunasan ang magulo at basang buhok ng dalaga.“Magpalit ka muna ng damit,
Hindi natulog si Elian. Buong gabi siyang nakatingin sa kisame ng kwarto ni Zara habang ang dalaga ay mahimbing na nakasubsob sa kanyang dibdib. Paboritong pwesto na ito ni Zara, ang makinig sa tibok ng puso niya. Pero noong gabing iyon, hindi kalmado ang puso ni Elian. Nag-aalab ito sa galit, takot, at matinding determinasyon.Tinitigan niya ang maamong mukha ng babaeng natutulog sa kanyang mga bisig. Ang mga mata nitong laging palaban, ang labing madalas bumitaw ng maaanghang na salita, lahat ng iyon ay baluti lang pala para itago ang isang pusong sugatan at takot. Ginamit ni Trevor ang kahinaan ni Zara para ikulong ito sa isang hawlang gawa sa pera at kasinungalingan.Hindi ako papayag, tahimik na pangako ni Elian sa sarili, hinaplos nang marahan ang buhok ng dalaga. Kung gusto nilang maglaro nang marumi, matututo akong lumusong sa putik.Kinabukasan, nagising si Zara dahil sa amoy ng kape. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, wala na si Elian sa tabi niya. Agad na bumilis ang tibok
Naging nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Elian habang bumabyahe sila pabalik sa condo ni Zara. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nakatingin lang si Zara sa labas ng bintana, mahigpit na nakayapos ang mga braso sa sarili, tila pilit na pinipigilan ang pagyanig ng kanyang mga balikat.Si Elian naman ay mariing nakahawak sa manibela. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang dalaga, pilit na binabasa ang emosyon nito. Gusto niya itong yakapin, gusto niyang sabihin na magiging maayos ang lahat, pero alam niyang kailangan muna niyang marinig ang buong katotohanan.Pagdating nila sa condo unit, mabilis na naglakad si Zara papasok. Hindi na niya hinintay si Elian. Ibinagsak niya ang kanyang designer bag sa sofa at dumiretso sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Nanginginig ang mga kamay niya kaya halos matapon ang tubig pag-angat niya ng baso.Sumunod si Elian at tahimik na isinara ang pinto. Pinagmasdan niya ang babaeng mahal niya. Nawala ang angas, naw
Isang linggo ang lumipas mula nang gabing iyon. Isang linggo kung saan parang nasa sariling mundo lang sina Elian at Zara. Sa loob ng condo ng dalaga, sila ang naghahari. Walang ibang tao, walang pwedeng humusga, at walang nakakakita sa unti-unting pagbabago ng isang inosenteng lalaki at ng isang wild na babae.Pero tuwing umaga, kapag sumisikat ang araw at kailangan nilang lumabas, bumabalik sila sa reyalidad.Sabado ng umaga. Wala silang pasok kaya napagdesisyunan nilang lumabas para sa isang pormal na date. Hindi sa underground club kung saan sanay si Zara, at hindi rin sa murang fast food kung saan madalas kumain si Elian. Namasyal sila sa isang high-end outdoor mall sa gitna ng siyudad.Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Zara na mapansin ang mga nakatingin sa kanila. Nakasuot siya ng isang fitted crimson red halter top at white wide-leg trousers, pares ng shades na nakapatong sa ulo niya, at may bitbit na mamahaling designer bag. Si Elian naman, gaya ng dati, ay paborito ang ka
Wala nang natirang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Sa bawat segundong lumilipas, lalong umiinit ang hangin sa loob ng kwarto, kasabay ng pabilis nang pabilis na tibok ng kanilang mga puso. Ang tanging naririnig sa buong sulok ng master bedroom ay ang mabibigat na paghinga, ang halikang tila nauuhaw, at ang mga ungol na nagmumula sa kailaliman ng kanilang pagnanasa.Kung dati ay si Zara ang laging nagdidikta ng galaw, ngayon, ipinapaubaya niya ang buong sarili sa binata. Ramdam niya ang bawat mabigat at puno ng awtoridad na paggalaw ni Elian. Ang dating inosenteng lalaki na madaling mamula kapag inaasar niya ay tuluyan nang nag-transform. Sa ilalim ng dim light ng kwarto, ang nakikita ni Zara ay isang lalakeng alam na alam kung paano angkinin ang bawat pulgada ng kanyang pagkatao.Iba ang lakas ni Elian. Bawat paggalaw nito, bawat pagdidiin ng baywang nito palapit sa kanya, ay may kasamang matinding emosyon at tahimik na pangako. Pataas-baba. Mabigat. Punong-puno ng sigasig. May sari
Paglabas ni Elian ng opisina, parang takot na takot siya pero excited na excited. Alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya. Zara. Yung babaeng unti-unti nang binabago ang pagkatao niya.Pagdating niya sa condo unit ni Zara, hindi man lang siya kinailangang kumatok. Nakaawang lang yung pinto, may
Kinabukasan, parang binabawi ni Elian ang lahat ng tulog na nawala sa kanya kagabi. Oras na para pumasok sa trabaho pero ang bigat pa ng pakiramdam niya. Hindi dahil pagod, kundi dahil sa sobrang daming nangyari sa isip at katawan niya.Pagbaba niya ng condo ni Zara, inihatid siya nito hanggang pin
Mabilis ang takbo ng motor pero mas mabilis ang tibok ng puso ni Elian. Nasa likod niya si Zara, mahigpit ang yakap sa bewang niya. Ramdam niya ang bawat kurba ng katawan nito na dumidikit sa likod niya. Basang-basa na sila ng ulan, pero parang naiinitan pa lalo si Elian.“Ang bagal mo naman, Good
THIRD PERSON POVThe music was blasting so hard na halos gumalaw yung sahig ng bar. Lasers lights everywhere, people dancing, shouting, living their best lives. But amidst all that chaos, there was one person who looked like he didn’t belong.Elian was sitting on the corner booth, holding a glass o







