Nasa sala kami ngayon pinapakain ako ni Aurelius binubuka ko naman ang bibig ko. Syempre gutom din naman ako, habang si Isabella naman ay nakatingin lang sa akin na parang naaawa siya. May kasama silang babae na hindi ko naman kilala baka bago lang sigurong nanny ni Isabella. Pero mukhang hindi rin, dahil iba ang pag treat niya kay Aurelius at sa bata. Parang may something sa kanilang tatlo na mahirap hulaan. Pero ng makita ko ng malapitan ang mukha niya babae ay bigla ko nalang naalala, siya ang babaeng nasa litrato.Siya siguro ang sinabi ni Aurelius na bumalik, nakatulala lamang ako habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig ko. "Dad how is she po?" Tanong ni Arabella sa ama. "She's not okay yet, baby. I need to take care of her and make her take her medicine first so she can get better.""I miss her po," malungkot na saad ng bata. Napansin ko ang pag tingin niya sa akin nangungusap ang kanyang mga mata. Gusto niyang gumaling na ako para maka paglaro ulit kami, pero bigla din
Read more