Pagsapit ng hapon, pag-uwi ni Cassy sa apartment, bitbit niya ang pagod at kung ano-anong iniisip, lalo na ang nalaman niya tungkol kay Nancy. Pero pagdating niya sa harap ng pinto, natigilan siya. May malaking kahon ng grocery sa paanan ng pinto niya, sealed, bago, may nakadikit na card. Bago pa man niya mabasa ang nakasulat, may umubo sa gilid niya. “Ahem. Delivery ni boss iyan.” Napalingon siya. Nandoon si Gabriel, naka-cross arms, mukhang pagod na ang itsura pero amused. “G-Gabriel? Ano ‘to?” “Inutos ni Sir Martin sa akin iyan. Grocery daw para sa inyo ng mga bata. Nandyan na ang essentials, vitamins ng mga anak mo. May cookies din at kung anu-ano pang pagkain. Sana, maenjoy mo iyan at ng mga bata.” Namula si Cassy. “Hindi… hindi naman niya kailangang gawin ‘to. Hindi naman siya ang ama ng mga anak ko, e. Grabe na siya, nakakahiya na.” “Hindi naman ako ang boss, so hindi ako pwedeng kumontra sa kahit anong sabihin niya,” sagot ni Gabriel. “Pero sabi niya, make sure raw na p
اقرأ المزيد