Limang taon ang lumipas mula nang unang tumangis ang kambal sa ospital, limang taong puno ng takbo, iyak, tawanan, at mga gabing halos hindi nakakatulog si Cassy. Ngunit kahit mahirap, maganda ang naging pagpapalaki niya kina Levi at Liam. Masayahin ang magkapatid, malambing, at matatalino.Sa kabila nito, may kulang. May isang espasyong hindi masabi-sabi ng kambal, pero ramdam ni Cassy sa bawat tanong nila tuwing gabi sa kanya.“Ma, nasaan ang Daddy namin ni Liam?”At gaya ng nakasanayan, ngingiti lang siya at sasabihing, “Sa tamang panahon, anak. Makikita at makikilala niyo rin siya.”Ngunit noong araw na iyon, isang Sabado ng umaga, hindi muna tungkol kay Martin ang problema niya. May bago na namang pakulo ang kambal para sa kanilang ina.Si Levi at Liam ay kilala sa pagiging pilyo, lalo na kapag nagbuo sila ng plano. At dahil magkamukhang-magkamukha, madalas nilang sinusubukang lituhin ang mga tao. Minsan si Hazel. Minsan ang mga kapitbahay nila. At ngayon… si Cassy ang target ng
Dernière mise à jour : 2026-05-09 Read More