Pagkarating ni Martin sa Monteclaro mansion, ramdam agad ang bigat ng atmosphere. Tahimik ang buong bahay, pero hindi iyon normal na katahimikan, iyon ang uri na nagsasabing may alam sila. Bumukas ang malaking pinto matapos ang ilang katok ni Gabriel. Nauna siyang pumasok para itulak ang wheelchair ni Martin, pero halos sabay silang napalingon nang marinig nila ang isang malalim, pagod, at mabigat na tinig.“Martin.”Nakatayo roon si Jose. Ngayong gabi, may halong galit at pagkabahala ang mga mata nito.Kasunod niya si Elvie, halatang hindi mapakali. Sa nanginginig na mga daliri nito sa gilid ng dress pa lang, alam na agad ni Martin, narinig na nila ang lahat ng mga balita.“Good evening,” mahinang bati ni Martin, walang emosyon ang tono habang naglalakbay ang tingin niya mula sa ama patungo kay Elvie. “Kung tungkol ito kay Portia—”“Of course it is about Portia!” putol agad ni Elvie, mas may taas a
اقرأ المزيد