Makalipas ang tatlong araw, tuluyan nang nawala ang pamamaga sa mukha ni Amanda. Nagsuot siya ng face mask nang pumasok sa trabaho, at mabuti na lamang at hindi na masyadong nagtanong ang kanyang mga kasamahan…Habang nasa pantry sila, pinag-uusapan ng iba ang tungkol kay Ricky at sa isang sikat na actress na naging karelasyon umano nito kamakailan."Hindi ko akalain na pagkatapos na pagkatapos ng annulment nila, sugar daddy na agad ang peg ng lalaking 'yun sa isang celebrity.""Well, sa posisyon at yaman ni Ricky, normal na lang 'yan.""Ang masama pa rito, balita ko ay nagtangkang magpakamatay ang ex-wife niyang si Vanessa sa ospital noong isang araw...""Hala, totoo ba? Dahil kaya 'yun sa actress na 'yon?"Tahimik na nakikinig si Amanda sa mga chismis ng mga kasamahan. Doon niya nalaman na hindi lang pala simpleng isyu ng hiwalayan ang dahilan kung bakit nagtangkang kitilin ni Vanessa ang sariling buhay noon.Nalaman din pala nitong may bago nang kinakasama o karelasyon si Ricky agad
Read more