Natigilan si Amanda.Pagkatapos ay sinabi niya ng may halong pagod, "Fine, kung 'yan ang gusto mong paniwalaan, edi sige."Nakatitig si Warren sa mukha niya. Gusto nitong mag-explain, pero hindi nito alam kung saan magsisimula.Totoo namang ang naging relasyon nila noon ni Vanessa ay nagdala ng matinding sakit kay Amanda. Natural lang na magduda ito sa kaniya. Pero simula nang malaman niyang si Vanessa ay peke at hindi ang batang nagligtas sa kanya noon, nawalan na siya ng anumang interes o pagpapakita ng kabaitan dito."I can promise you na tapos na talaga kami ng kapatid mo, and I will never deal with her again," paglilinaw ulit ni Warren.Pero para kay Amanda, isa na lang itong walang kwentang usapan.Hiwalay na sila. Kung sino man ang gustong makasama o makipagrelasyon ni Warren ngayon, wala na siyang pakialam doon. Ang nakakatawa lang, noong panahong kasal pa sila at pilit niyang pinapangako nito na maging tapat, ni minsan ay hindi niya nakuha ang ganitong klase ng reassuran
Read more