Share

CHAPTER 445

Author: Jewel
Bukod doon, madalas pa siyang biglang halikan ni Jonathan kahit sa mga pampublikong lugar nang walang pasubali. Kaunting pagtatalo lang ay pilit na nitong hinaharot o sinisira ang damit niya. Minsan, talagang naiisip na lang ni Amanda na tapusin na ang lahat sa kanila.

Ang damit niya ay may punit na ngayon sa gilid dahil sa ginawa nito, kaya siguradong hindi na iyon pwedeng isuot pabalik sa main hall. Wala siyang ibang pinagpilian kundi ang pumunta muna sa dressing room o lounge area na malapit
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 446

    Matapos makapagpalit ng damit, bumalik si Amanda sa main hall. Pero bago pa man siya makahinga nang maluwag, sinalubong na agad siya ni Warren."Anong ginagawa mo rito?" tanong nito habang matalas siyang tinititigan.Dahil galing lang siya sa matinding tagpo kay Jonathan, medyo kinabahan si Amanda. Bagamat nakapagpalit na siya ng damit at nag-ayos ng mukha, natatakot pa rin siyang may makapansin. Lalo na kay Warren, na kilalang seloso at hindi kailanman papayag na magkaroon siya ng ibang lalaki habang hindi pa sila pormal na nagpapakasal sa iba, kahit sabihing annulled na sila."Kasama ko ang boss ko," kalmadong sagot niya."Si Jonathan Ramirez?" sunod na tanong ni Warren.Tumango si Amanda. "Oo."Kahit pilit niyang pinapanatiling normal ang boses, napansin pa rin ni Warren ang kakaiba. "Parang iba 'yang suot mong damit kanina, ah?"Biglang nanigas ang katawan ni Amanda. Hindi ko naman pwedeng sabihin na tinastas ni Jonathan ang damit ko, di ba?"Natapunan kasi ako ng alak kani

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 445

    Bukod doon, madalas pa siyang biglang halikan ni Jonathan kahit sa mga pampublikong lugar nang walang pasubali. Kaunting pagtatalo lang ay pilit na nitong hinaharot o sinisira ang damit niya. Minsan, talagang naiisip na lang ni Amanda na tapusin na ang lahat sa kanila.Ang damit niya ay may punit na ngayon sa gilid dahil sa ginawa nito, kaya siguradong hindi na iyon pwedeng isuot pabalik sa main hall. Wala siyang ibang pinagpilian kundi ang pumunta muna sa dressing room o lounge area na malapit sa venue para maghanap ng pansamantalang pamalit na damit.Dahil sa pagmamadali at pagka-irita, hindi na niya napansin ang isang pigura na nakamasid sa madilim na sulok. Si Easter ay saktong nakita si Amanda na lumabas sa kwarto habang gulo-gulo ang buhok at sira ang suot na damit.Agad siyang huminto at nagpasyang magmanman.Hindi ko akalain na si Amanda, na mukhang inosente at mahinhin, ay ganito pala kalandi sa loob, sa isip niya.Kahit na naroon ang asawa nitong si Warren sa parehong ev

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 444

    Pero hindi hinayaan ng binata na makawala si Amanda.Mahigpit nitong hinawakan ang baba niya at ibinaba ang mukha para marahas siyang halikan. Hinarangan ni Jonathan ang bawat salita niya sa pamamagitan ng mabilis at malalim na paglapat ng mga labi."Mh—!"Dahil sa bigla at hindi niya matulak na puwersa, hinayaan na lang ni Amanda ang sarili sa gusto nito. Wala na siyang nagawa dahil sa sobrang pamilyar na niya sa katawan ng lalaki. Sa dilim ng espasyong iyon, ang lahat ng pandama ay mas lalong tumindi.Ang kanilang mga katawan ay magkadikit nang walang espasyo, at ang temperatura sa paligid ay patuloy na tumataas.Hindi pa nakuntento si Jonathan doon.Ang isang kamay nito ay pumasok sa loob ng suot niyang dress para mamihasa, habang ang kabilang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang bewang para pigilan siya sa paggalaw. Ang maiinit na labi nito ay lumipat sa kanyang noo at leeg, mariing sumisipsip ng walang pagpipigil."Stop it, please!" awat ni Amanda nang may pagka

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 443

    Bakit naman sila mag-aabala pang magbigay ng respeto sa kanya? Pero mabuti na rin at wala siyang pakialam sa mga ito."Jonathan, let me introduce you to a new friend!" biglang siningit ng matandang si Mr. Valenzuela habang nakikipag-usap ito sa binata.Bago pa man makareact sina Amanda, lumingon ang matanda at nag-sign ng kamay sa isang direksyon. Kasunod niyon, nakita nilang naglalakad palapit si Warren na suot ang pormal na tuxedo at may hawak na baso ng wine. Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa gulat. Akala niya ay nananaginip lang siya.Bakit nandito rin si Warren ngayong gabi?Salubong ang kilay nito habang ang madidilim na mata ay diretsong nakatitig sa kanya habang papalapit nang papalapit.Nang makarating ito sa harapan nila, masayang ipinakilala ni Mr. Valenzuela, "Si Warren Aguirre, ang bagong tagapagmana ng mga Aguirre! And this is our CEO, Jonathan Ramirez!"Agad na nakaramdam si Amanda ng matinding tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Para silang dalawang leon na nag

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 442

    "Hindi ko alam," sagot ni Amanda.Bahagyang pinakatitigan siya ni Jonathan. "Are you really sure?"Tumango si Amanda. "Wala namang card o kahit anong name na nakasulat, kaya akala ko ikaw ang nagpadala! Kung alam ko lang, edi sana hindi ko na tinanong!"Kung noon pa man ay alam niyang hindi galing dito ang bulaklak, marahil ay itinapon na niya iyon agad sa basurahan sa halip na balewalain lang.Natuwa si Jonathan sa narinig. Hinawakan niya ang balikat ng dalaga palapit sa kaniya at hinalikan ito nang marahan sa labi."Good girl."Napaismid si Amanda sa isip niya. Hindi ako aso para tawaging 'good girl' mo!Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan tungkol sa bulaklak kaya mabilis niyang iniba ang paksa. "Ano bang klaseng party 'to?""Business party lang," sagot ni Jonathan sa mababang boses. "Karamihan sa mga nandoon ay mga senior board members ng kumpanya galing abroad. They just love flying back here every end of the year to inspect things, so don't stress yourself too much."Ta

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 441

    Nag-antay si Amanda ng sagot, pero nanatiling tahimik si Jonathan. Ayaw ba niyang pagbigyan ang simpleng hiling na 'yon? Masyado namang dominante ang lalaking ito.Pero laking gulat niya nang biglang magsalita ito. "Anong bulaklak? Wala akong ipinadalang bulaklak sa 'yo!"Nang marinig iyon, nakaramdam si Amanda ng matinding hiya.Hindi sa kanya galing ang bulaklak? Kung ganoon, kanino?"Ah... sige, magbibihis na muna ako," mabilis niyang palusot sabay talikod."May nagpadala ba sa 'yo ng bulaklak?" malamig na tanong ni Jonathan sa likuran niya."W-wala..." pagtanggi niya habang nagmamadaling pumasok sa resting room at isinara ang pinto.Nakahinga siya nang malalim habang nakasandal sa pintuan. Nang buksan niya ang box, tumambad sa kanya ang isang napakagandang pink dress na gawa sa mamahaling tela. Bagay na bagay ito sa kulay ng balat niya.Paglabas niya matapos mag-ayos at mag-make-up, napanganga si Jonathan sa ganda nito."You look stunning.""Thank you," magalang na sagot

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER SIX

    NAKAKUNOT ang noo ni Amanda. He actually promoted her to executive assistant?Hindi kaya pinapahamak lang siya nito?“Sir… I’ve never worked as an assistant before. Baka hindi ko kayanin…” agad niyang sagot dito bilang pagtanggi sa promotion nito. Sa totoo lang, ang laman ng isip niya…was something

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER FIVE

    MAHIGPIT siyang tinitigan ni Manager Reyes.“Ano bang kasalanan ang ginawa mo?” tanong pa nito sa kanya.Bigla siyang tinawag ng Big Boss, hindi lang si Amanda ang nagulat, pati ang manager niyang si Reyes.Kumindat si Amanda ng inosente. “I… I don’t know either…”Pinagpapawisan ang palad niya. Ang

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER FOUR

    HALOS hindi nakatulog si Amanda. The emptiness in her body at ang sakit sa puso niya ay hindi siya pinatulog nang maayos. Buti na lang, hindi siya na-late kinabukasan. Habang humihikab si Amanda papasok sa office ay napansin niya agad may kakaibang atmosphere sa paligid.“May bagong CEO na darating

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER THREE

    NAPATIGIL si Amanda dahil sa narinig niya. Napansin ni Warren ang bahagyang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. Ngunit nanatiling malamig ang boses nito na tila ba walang pakialam.“Sorry. Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na may obsessive compulsive disorder ako,” wika ni Warren kay Amanda..“P

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status