Tumingin si Jonathan sa kanya, bahagyang tinaas ang kilay.“Masarap ba hawakan?” mapanukso nitong tanong na halos pabulong lamang..Parang nakuryente si Amanda. Agad niyang binawi ang kamay niya. Namula ang mukha sa labis na pagkapahiya.“S-sorry!”Madilim ang tingin ni Jonathan, pero kalmado ang aura niya. Halatang may ibang ibig sabihin.“You touched me on purpose,” sabi ni Jonathan sa kanya kaya natigilan siya. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.Parang sumabog ang utak ni Amanda. “H-hindi ko sinasadya!” Nagpaliwanag agad siya. “Nagmadali lang ako umalis sa ibabaw—”“—at napunta doon ang kamay mo?” putol ni Jonathan, bahagyang nakangisi.Mas lalo siyang napahiya.“Hindi ko talaga sinasadya…”Lumapit pa si Jonathan sa kanya. Halos dikit na ang labi nito sa tenga niya. Wala itong pakialam kahit may kasama sila sa loob ng sasakyan.Mainit ang hininga ng lalaki..“Hindi mo naman first time di ba?? Even if you did it on purpose, okay lang.”Napasinghap si Amanda. Biglang lumayo sa l
اقرأ المزيد