BAHAGYANG nanginig ang mga mata ni Amanda. Iniwas niya ang tingin. Paano niya sasagutin ang tanong na iyon? Aamin ba siya na gusto niya rin? Na nagugustuhan niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya?Kung ordinaryong lalaki lang si Jonathan Ramirez, siguro… hindi na siya magdadalawang-isip. Pero hindi eh. Boss niya ito.At higit sa lahat hindi niya gustong magkaroon ng relasyon na lampas sa trabaho. Lalo na sa sitwasyon niya ngayon.Hinawakan ni Jonathan ang baywang niya, pinipilit siyang manatili sa yakap nito—sa mga bisig nito. Lumapit ito sa tenga niya, mababa ang boses at bumulong .“Relax… hindi kita pipilitin sa ayaw mo,” ani pa nito.Nanlaki ang mata ni Amanda.Hindi pa man siya nakakaisip ng sasabihin ay naitulak na siya sa back seat. Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon takot, hiya, o… anticipation. Pero bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon ay biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan.Pareho silang natigilan. Pagtingin
اقرأ المزيد