PAG-AKYAT pa lang ni Amanda sa yacht, agad siyang napansin ni Jonathan. At sa isang iglap, dumilim ang ekspresyon ni Jonathan. Hindi niya inasahang makikita ang babae sa lugar na ito. At higit sa lahat, nakasuot ito ng isang sobrang ikling itim na dress na mahigpit na yumayakap sa katawan nito.Masyadong revealing. Masyadong mapang-akit. Naramdaman ni Amanda ang panlalamig habang hindi komportable sa mga matang nakatitig sa kanya.Lalo na sa paligid nila.Halos lahat ng babae roon ay naka-bodycon dresses, bikinis, at seductive gowns habang nakadikit sa iba’t ibang rich businessmen at kilalang mga anak ng mayayaman. Kilalang-kilala ang ganitong klaseng party sa social circle nila.Sea Heaven Party.. Lugar ng pera, alak, babae, at kasalanan. At nang maisip ni Jonathan na baka isa si Amanda sa mga babaeng pumunta roon para humanap ng mayamang lalaki ay agad sumama ang mood niya. Lalong tumalim ang tingin niya rito.“Kuya…” bulong ni Amanda habang hindi mapakali. “Bakit mo ako dinala rito?
더 보기