**BLACK ZEVIAN DEL FIERRO POV**Sinusundan ko pa rin ng tingin ang sasakyan ni Eirah hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.“Boss, mananatili ka na lang ba diyan?” tanong sa akin ni Red.Dahan-dahan ko siyang nilingon.“Tss,” malamig kong sagot sabay bukas ng pinto ng sasakyan ko.“Sa hideout tayo,” sabi ko bago pumasok.Walang pag-aalinlangan kong pinaandar ang makina at pinaharurot ang sasakyan palabas ng ground ng kumpanya.---Ilang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa hideout—sa gitna ng gubat, sa lugar na kami lang ang nakakaalam.Maayos kong ipinarada ang sasakyan ko, at sabay kaming lumabas. Tahimik akong naglakad papasok ng hideout.“Good evening, Boss,” bati ng mga tauhan kong nagbabantay.Tahimik ko lang silang tinanguan bago tuluyang pumasok.Umupo ako sa usual kong pwesto, at agad namang umupo si Jared sa kanan ko. Sumunod ang iba, nakatingin sa’kin—parang naghihintay ng utos.“Ngayon nandito na ang mga Romano,” malamig kong sabi. “Siguraduhin ninyong ba
最後更新 : 2026-05-12 閱讀更多