**EIRAH SALVATORE POV**Dahan-dahang huminto ang taxi na sinasakyan ko sa tapat ng Del Fierro Building.“Ito po, manong,” sabi ko habang inaabot ang bayad sa driver.Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong bumaba. Saglit akong napatigil at napatingala sa building.Napabuntong-hininga ako bago muling ibinalik ang tingin sa entrance ng kumpanya.Pero bago pa ako makapaglakad, biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag at sinagot.“Nasa labas na po ako ng company,” sabi ko agad.“Okay, bilisan mo. Pumunta ka na dito sa conference room. Maya-maya lang dadating na ang Chua Group,” sabi ni Lolo mula sa kabilang linya.“Opo, Lo,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papasok ng building.---“Good morning, Ma’am Eirah,” nakangiting bati ng guard nang makita ako.“Good morning rin po,” sagot ko, at matipid na ngiti bago dumiretso sa elevator.Pagdating ko ay sarado pa ito kaya agad kong pinindot ang button.Tahimik akong
Mehr lesen