PARANG inip na inip si Kyle sa oras. It’s four thirty in the afternoon. At ang labas niya sa kompanya ay five. Gustong-gusto niya na talagang umuwi sa mansyon. Nagpabili pala siya sa messenger ng kompanya ng isang basket ng manggang hilaw, iyong kalabaw, na sobrang asim. May isang basket din siya ng manggang hinog. Orange, grapes at kung ano-ano ng prutas. Para kay Loyalty lahat ang mga prutas. Hindi na siya makapaghintay, kinuha niya ang kanyang coat at inilagay sa kanyang siko. Saka lumabas ng kanyang opisina. “Flora, I will go out now. Umuwi ka na rin. And tomorrow I will be late. Cancel all my appointments in the morning,” biling sabi ni Kyle. Naguluhan si Flora at napaamang sa sinabi ng amo. Hindi siya nakapagsalita. “Flora, did you understand?” tanong ni Kyle pero wala pa rin siyang nakuhang sagot sa sekretarya. Napakurap si Kyle at bahagyang kumunot ang noo. “Flora?” muli niyang tawag. Natauhan ang sekretarya at mabilis na tumango. “Y-Yes, sir. Pasensya na po.” “May p
Read more