NAKATULALA pa rin si Kyle habang pinapanood ang kanyang grandma na malakas ang tawag habang kausap sina Loyalty at Carla. Naihilig ni Loyalty ang kanyang ulo, na napatingin kay na tahimik Lang na nakaupo. Napansin naman Ng matanda ang tinitignan ni Loyalty. “Bakit Hindi Ka nagsasalita diyan? Saka, makisali ka nga sa kuwentuhan namin,” sabi ng Dona sa kanyang apo Mabilis umiling si Kyle. “I'm good, Grandma. Mas gusto ko kayong pakinggan.” Napangiti ang matanda at marahang inalog ang ulo. “Hindi ka talaga nagbabago. Tahimik ka pa rin kapag may bisita.” “Mas madaldal po kasi kayo kaysa sa aming lahat,” natatawang sagot ni Kyle. “Aba! Binibiro mo na naman ako.” Napatawa sina Carla at Loyalty. “Hindi po siya nagbibiro, Doña,” singit ni Carla. “Sa totoo lang, kayo po ang bumubuhay ng usapan.” Napahalakhak ang matanda. “Kaya gusto kita, hija. Marunong kang makisama.” Namula si Carla at napakamot sa batok. “Thank you po.” Samantala, tahimik lamang si Loyalty habang pinagmamasd
Read More