Kinabukasan, matapos ang makasaysayang pagbabalik ni Corinne sa boardroom ng Imperial Hotel, isang kakaibang katahimikan ang bumalot sa dambuhalang penthouse ni Ethan Altamirano Jr.Nasa loob ng kanyang malawak na study room ang bilyonaryo, abala sa isang virtual meeting kasama ang mga European investors. Dahil sa pagbili ng Altamirano Holdings sa malaking utang ng Imperial Group, maraming negosasyon ang kailangang ayusin ni Ethan. Sa kabilang banda, si Corinne ay naiwan mag-isa sa labas ng opisina.Ngunit sa halip na magpahinga sa master suite gaya ng utos ng lalaki, tahimik na naglakad ang dalaga patungo sa dulo ng pasilyo—sa maliit na servant's quarters kung saan siya nanirahan sa nakalipas na anim na buwan.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng lavender na sabong panlaba at ng simpleng kalinisan ng kwarto. Napakaliit nito kumpara sa kwarto ni Ethan, ngunit dito niya naramdaman ang lahat ng sakit, takot, at lihim na kilig bilang si 'Lorin'.Dahan-dahang nag
Read more