Papalapit nang papalapit ang binigay niyang isang buwan, at kahit anong pilit kong mag-isip, wala pa rin akong makitang paraan kung saan ako lulugar. Alam ko na sa huli, iisa lang ang gusto niyang marinig—ang sagot na pabor sa kanya.Hindi ko alam kung sinusubukan niya lang akong ubusin o hinahayaan niya akong mapagod kakaiwas. Pero pareho lang ang kahahantungan.Siya pa rin ang masusunod.“Girls, promotion ngayon. Double time. Walang papatay-patay,” paalala ni Miss Betty habang abala kami sa paghahanda ng orders.Tumango kaming lahat at agad na kumilos. Mabigat ang katawan ko dahil sa puyat, pero pinilit kong mag-focus. Ayokong magkamali—kilala ko si Miss Betty. Kahit maliit na bagay, pinapansin niya.Habang inaayos ko ang mga baso, narinig ko ang usapan nina Jocelyn sa likod ko.“Montenegro ‘yan, ‘di ba?”“Oo. Bunsong kapatid ni Rafael Adrian Montenegro.”Bahagya akong napahinto.Hindi ako agad lumingon. Ayokong makisali, pero kusa ring napunta ang atensyon ko sa mesa na tinuturo ni
Last Updated : 2026-06-01 Read more