LOGINIn the public eye, Adrian Rafael Montenegro is the perfect billionaire—powerful, composed, and dangerously charismatic. A man who gets everything he wants. Except her. Isla never intended to stand out. A simple woman with quiet strength, she believed she could remain invisible in Adrian’s world—until she rejected him. Not just his attention, but his proposal. For a man like Adrian, “no” is not an answer—it’s a challenge. What begins as an obsession slowly tightens into control. And when jealousy is ignited and patience runs out, Isla disappears without a trace. She wakes in a private estate that doesn’t exist on any map—dressed in white, a ring she cannot remove wrapped around her finger, and doors that do not open for someone like her. “I gave you a choice,” Adrian tells her, his voice calm, unyielding. “You turned it into a game.” Inside her gilded cage, resistance has consequences—and obedience becomes survival. He calls it protection. He calls it love. But the more Isla fights him, the deeper she’s pulled into his darkness. Because Adrian is not just a man obsessed—he’s a man who believes she already belongs to him. And the most dangerous part? A part of her is beginning to understand him…and that might be the one thing that destroys her completely.
View More“You’re fired.”
Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon habang naglalakad ako pauwi, parang sirang plaka na hindi marunong tumigil. Mahigpit kong hawak ang strap ng luma kong bag, halos magkulay puti ang mga daliri ko sa sobrang diin. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang biglaang pagkawala ng trabaho o ang pag-uwi para sabihin iyon kay Nanay. Bawat hakbang ko ay mabigat. Parang bawat paglapag ng paa ko sa lupa ay may kasamang tanong na hindi ko kayang sagutin. Paano na kami? Paano na ako? Huminto ako sa tapat ng maliit naming bahay. Tahimik. Madilim. Tanging ilaw mula sa lumang fluorescent lamp sa labas ang nagbibigay ng maputlang liwanag sa kalawangin naming gate. Pamilyar ang itsura nito—pareho pa rin tulad kahapon, tulad noong isang linggo, tulad noong mga panahong kahit papaano ay may dala akong perang maipapakita. Ngayon, wala. Humugot ako ng malalim na hininga, pinipilit ihanda ang sarili sa kung anong naghihintay sa loob, bago dahan-dahang itinulak ang pinto. “N-Nay…” Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng malamig niyang tingin—walang kahit anong bakas ng pag-aalala. Para bang matagal na niyang alam ang balitang dala ko. “Tumawag ang tiyahin mo.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa, nakakrus ang mga braso, at hindi inaalis ang tingin sa akin. “Tanggal ka na raw.” “Nay, makinig ka muna—” Paak! Hindi ko na nakita ang kamay niya. Napapikit ako sa lakas ng sampal na dumapo sa pisngi ko. Napaatras ako, muntik mawalan ng balanse, at napahawak sa dingding para hindi tuluyang matumba. Ramdam ko agad ang hapdi, parang may apoy na gumagapang sa balat ko. “Wala ka talagang silbi,” madiin niyang sabi, bawat salita ay parang kutsilyong bumaon sa dibdib ko. “Anong ginawa mo? Hindi ka naman tatanggalin kung wala kang kapalpakan.” Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. “Nagkamali lang ng akala ang asawa ng boss namin—” “Akala?” Napatawa siya, ngunit walang saya sa tunog nito. Mapakla. Mapanlait. “Alam mo, Isla, kung gagamitin mo lang din naman ang mukha mo para umasenso, sana inayos mo na.” Parang may kung anong pumutol sa loob ko. “Nay, hindi totoo ‘yon…” mahina kong sagot, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Ngunit hindi siya nakinig. “Tigilan mo ako sa pagdadahilan.” Tumalikod siya, saka muling umupo sa sofa na parang wala lang nangyari. “Wala na tayong makakain mamaya. Lumabas ka at humanap ka ng trabaho mo. Bumili ka na rin ng pagkain.” Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita, mas malamig, mas matigas. “At huwag na huwag kang uuwi na walang dalang magandang balita. Dahil hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko sa’yo.” Tahimik akong napayuko. Sanay na ako. Sa bahay na ito, hindi mahalaga kung pagod ako, nasasaktan, o unti-unti nang nawawalan ng lakas. Hangga’t wala akong naiuuwing pera, wala akong halaga. Wala akong karapatang mapagod. Wala akong karapatang magkamali. Mabigat akong humakbang papunta sa kwarto ko, pilit kinakaladkad ang sarili palayo sa sala. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay bumukas muli ang pinto. Kakauwi lang ni Kuya. Agad bumaba ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa—parang sinusuri kung anong klaseng balita ang dala ko. Napangiwi ako sa paraan ng pagtingin niya. “Oo nga pala,” natatawa niyang sabi habang papasok at isinasara ang pinto sa likod niya, “ikaw pala ‘yung pinag-uusapan sa opisina sabi ni Roel.” Kumunot ang noo ko. “Kuya, tama na.” “Sayang,” dagdag niya, umiling habang may nakakalokong ngisi sa labi. “Boss mo pa lang pinapatulan mo na. Baka pati ako, pwede na rin?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nandidiri kong tinabig ang kamay niyang tangkang hahawak sa braso ko. “Mandiri ka naman sa sarili mo.” Saglit na nag-iba ang ekspresyon niya—parang nasagi ang ego—ngunit natawa rin agad siya, na para bang biro lang ang lahat at ako ang walang sense of humor. “Sensitive,” bulong niya, sabay iling. Hindi ko na siya pinansin. Iniwan ko siya roon at dumiretso sa kwarto ko, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa bigat ng pakiramdam ko. Pagkasara ko ng pinto, saka ko lang naramdaman ang panginginig ng buong katawan ko. Tahimik akong naupo sa gilid ng kama. Manipis na kutson. Lumang electric fan na umiingit sa bawat ikot. Kupas na dingding na may mga bitak. Ito lang ang mundo ko. At ngayong wala na akong trabaho, pakiramdam ko pati ito ay mawawala rin sa akin anumang oras. Napapikit ako. Pinilit kong lunukin ang bara sa lalamunan ko, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi ngayon. Dahan-dahan akong tumayo. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong may maiuwi. Dahil kapag umuwi akong walang dala mamaya… mas gugustuhin ko na lang sigurong huwag na umuwi. --- Gabi na nang tuluyan akong sumuko sa paghahanap ng trabaho. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad, at halos ubos na rin ang natitira kong pera matapos akong bumili ng mumurahing pagkain—ilang pirasong tinapay at de-lata na sapat lang para matawag na hapunan. Mahigpit kong hawak ang plastic bag habang naglalakad sa makipot na eskinita pauwi. Tahimik ang paligid. Tanging mahinang patak ng ulan at ilaw mula sa poste ang kasama ko. Paminsan-minsan ay may maririnig na tahol ng aso o kaluskos sa gilid, pero mabilis ding nawawala, parang ayaw ding makisangkot sa mundo ko. Pagod na pagod na ako. Hindi lang katawan ko, kundi pati isip at puso ko. Pagliko ko sa mas madilim na bahagi ng eskinita, bigla akong napahinto. May taong nakahandusay sa daan. Nanlamig ang buo kong katawan. Para akong napatigil sa oras. Ilang segundo akong hindi gumalaw, nakatitig lang sa hindi malinaw na anyo ng lalaki sa gitna ng basa at madilim na kalsada. Pero maya-maya, nanaig ang kaba—at kung ano mang natitirang konsensya sa loob ko. Mabilis akong lumapit. “K-Kuya…?” maingat kong tawag, dahil mukhang ka-edad lang siya ng Kuya ko. Hindi siya gumagalaw. Lumuhod ako sa tabi niya, hindi alintana ang basa at putik sa lupa, at marahang tinapik ang pisngi niya. Agad akong napasinghap nang makita ko ang dugong kumalat sa suot niyang damit. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero hindi ko rin kayang iwan siya. Dahan-dahan kong kinapa ang paligid niya hanggang sa makita ko ang cellphone na bahagyang nakatabi sa kamay niya. Eksakto namang umilaw ang screen dahil sa papasok na tawag. Saglit akong nag-atubili. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin. Hindi ko alam kung anong gulo ang maaaring madamay sa akin. Pero nang mapatingin ako sa duguan niyang katawan, mas lalo akong kinabahan. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. At sa huli, nanaig ang takot… at awa. “H-Hello?” mahinang sagot ko, pilit pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig pa rin ang buong katawan ko.Kagaya ng napag-usapan namin nila Nanay at Tatay, lumuwas ako ng Maynila.Hindi para tuparin ang utang nila.Kundi para lumayo.Para mawala sa paningin ng lalaking iyon.Bitbit ko pa rin ang cellphone na ibinigay niya. Ilang beses ko iyong sinubukang itapon—sa terminal, sa basurahan, kahit sa kanal na nadaanan ko—pero sa tuwing ilalayo ko na ang kamay ko, may kung anong pumipigil sa akin.Takot.O baka mas malala pa roon.Kaya imbes na itapon, pinatay ko na lang ito at itinago sa ilalim ng mga damit ko sa bag. Parang gano’n lang kasimple—parang kapag hindi ko siya nakikita, wala siya.Pero alam kong mali iyon.----------Mas malaki ang Maynila.Mas maingay.Mas mabilis.At mas madaling mawala.Nakahanap agad ako ng matutuluyan—isang maliit na apartment na halos kasya lang ang kama at mesa. Hindi naman ako nagrereklamo sa set-up ko ngayon. Ang mahalaga, may matutulugan ako.May panibagong simula.Dalawa ang trabaho ko—umaga sa isang coffee at milk tea shop, at gabi bilang cashier sa is
Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng gusaling iyon. Parang awtomatiko na lang ang mga galaw ko habang inaalalayan ako ng dalawang lalaki papunta sa sasakyan. Hawak pa rin nila ang magkabilang braso ko—hindi marahas, pero sapat para ipaalala na wala akong kontrol sa kahit anong mangyayari. Hindi ako nagsalita at hindi rin sila. Mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa anumang ingay.Pagkasara ng pinto ng sasakyan, napahigpit ang hawak ko sa cellphone na iniabot niya sa akin kanina. Hindi ito mukhang ordinaryong gamit; para itong paalala na may taong kayang abutin ako kahit saan ako magtago. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya—one month. Isang buwan para magdesisyon, o isang buwan bago tuluyang mawala ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang mas totoo.Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Walang nagsalita. Binuksan nila ang pinto at ako lang mag-isa ang lumabas.Bago pa man ako tuluyang makalayo, narinig ko ang isang mahinang paalal
Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko.“A… ano?” halos pabulong kong tanong, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko o kung nagkakamali lang ako.Hindi siya nagbago ng ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin, kalmado—parang wala lang siyang sinabi na kayang baligtarin ang buong buhay ko.“I said,” mababa niyang ulit, “I’m looking for someone to marry. And you are the best choice.”Napaatras ako ng bahagya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.“Hindi ako papayag,” diretsong lumabas sa bibig ko kahit nanginginig ang boses ko. “Hindi niyo pwedeng gawin ’to sa akin. Hindi ko nga kayo kilala.”Tahimik lang siya.Hindi siya sumagot agad, at mas lalo lang lumakas ang kaba ko sa bawat segundo ng katahimikan. Mas nakakatakot pa ang hindi niya pagsasalita kaysa sa anumang sigaw.“How dare you refuse sir Montenegro.”Napalingon ako sa lalaking biglang sumingit. Malamig ang tono nito, puno ng panunuya.“M… Montenegro…” mahina kong bulong.Biglang bumalik sa isip ko ang narinig kong apelyi
The moment I heard it— “Boss wants to meet the girl”—parang may humigpit sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na naramdaman kung paano ako gumalaw. Basta ang alam ko lang, sumabay ako sa paglabas ng bahay na iyon, habang ang mga taong minsan kong tinawag na pamilya ay nanatiling nakatayo sa likod ko na parang nanonood lang ng eksenang wala silang balak pigilan.Walang sumigaw. Walang humabol. Walang tumawag sa pangalan ko at walang nag-aalala para sa kaligtasan ko.Parang ang dali lang palang palitan ang isang anak kapag may mas mahalagang kapalit. Kung sabagay, sa kanilang paningin, bilang isang anak nararapat lang akong magsakripisyo.Sa labas, dalawang itim na sasakyan ang nakaparada sa harapan ng bahay namin. Tahimik. Malamig tingnan. Parang hindi ito basta grupo ng tao—kundi bahagi ng mundong hindi ko alam na umiiral pala sa likod ng mga ordinaryong kalsada.Mabuti na lang at tulog na ang mga kapitbahay namin. Kung hindi, kami na naman ang laman ng usapan kinabukasan.Binuksan nila ang






![Hiding The Fuckboy‘s Children [TAGLISH]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.