Hindi ako agad nakagalaw matapos niyang magsalita.“I said come with me, Isla. Don’t make me repeat myself.”Parang bumigat ang hangin sa paligid ko, at kahit gusto kong umatras, parang hindi na sumasagot ang katawan ko sa utos ng utak ko. Nasa gitna pa rin ako ng kalsada, nakatayo, habang unti-unting bumabalik ang ingay ng Maynila—mga busina, mga tao, mga sasakyang dumadaan na parang walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa harapan ko.Pero ako, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.Nasa kabilang gilid siya kanina, at ngayon, naroon na siya sa tabi ng itim na sasakyan. Bukas ang back door. Tahimik. Everything looks normal. Parang walang nangyari.Pero walang normal sa kung paano siya tumingin sa akin na para bang matagal na niyang alam kung saan ako pupunta.“Isla,” ulit niya, mas mababa ang boses ngayon, mas controlled. Hindi na ito paanyaya. Utos na ito.Napakagat ako ng labi ko at napatingin sa paligid, umaasang may makakapansin, may makakatulong, may kahit sinong makakaintind
Last Updated : 2026-06-01 Read more