Abby's POV "Ate, gising na si Paulo?" Malakas na boses ng kapatid kong si Ela ang umalingawngaw sa loob ng ward. Hindi pa ako nakasagot agad na nagmamadaling niyakap nito ang kanyang pamangkin. "Paulo, salamat sa diyos at nagising kana" Umiiyak na sabi nito habang yakap yakap ang anak ko. Ramdam ko ang matinding saya ng kapatid ko. Tumayo ako at hinaplos haplos ang likod nito. "Tita, o-okay na ako. Wag na kayong umiiyak" Pagpapatahan din na sabi ng anak ko. Subalit imbes na tumigil sa pag-iyak mas lalong humagulhol ito at parang baka na nagugutom. Manang mana rin kasi sa akin itong Kapatid ko. Kung iyakin ako ganito rin ang kapatid kong si Ela. "Tama na iyan Ela" Awat na sabi ko. Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa anak ko at bumaling sa akin ang basang basa na mukha nito. Daig pa nito ang naghilamos sa dami ng kanyang luha. Naawa naman ako kaya niyakap ko rin ito. "Shhhh, tahan na. Okay na ang pamangkin mo wag ka ng mag alala pa" Naiitindihan ko ang nararamdaman nito.
اقرأ المزيد