Abby's POV Pasado alas diyes na ng gabi pero hito pa rin ako. Dilat ang dalawang mga mata at nakatitig sa mukha ng anak ko habang hawak hawak ko ang mga maliliit na kamay nito. Pinauwi ko muna ang Kapatid kong si Ela at ako muna ang nagbabantay kay Paulo ngayon. Ilang araw na ring walang masyadong tulog si Ela kaya naawa na rin ako. Isa pa kailangan niya ring uwiin na si inay dahil panay inom na lang daw ng alak nito at hindi na kumakain, ayun sa mga kapitbahay namin. "Sana bukas magising kana anak at para mapabilis ang paggaling mo at makalabas na tayo." Sabi ko sa anak ko na para bang maririnig nito ang lahat ng sasabihin ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang naisalba ko ang buhay ni Paulo. Buong akala ko, tuluyan na mawala ito at iiwan na nga ako. "Salamat diosko kahit papano hindi pa rin ninyo pinabayaan ang anak ko" Buntong hiningag sabi ko habang pinapahiran ang bawat luhang dumadaloy sa pisngi ko. Simula pa kanina, panay na ang tulo ng luha ko. Siguro dahil
اقرأ المزيد