Abby's POV Madaling araw na pero dilat pa rin ang dalawang kong mga mata. Hanggang ngayon hindi pa rin nawala sa utak ko ang narinig ko kanina. Ang usapan ni Inay at ni Raffy sa bahay. Kinikilabutan pa rin ako habang iniisip ito.Siguro kung hindi kami dinala ni Dominic rito. Baka isa sa amin ng kapatid ko ay pinagpipistahan na ni Raffy ngayon.Usap usap sa looban na adik ito. Hindi ko alam kung bakit napalapit ito kay Inay. "Diosko, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na napasok ako sa sitwasyon na ito o hindi?" Nagugulahan na tanong ko sa utak ko. Hindi ko alam kung tadhana ba na mangyari ito. Naiwas kami sa masasamang loob sa lugar na iyon. "Ma-mama" Gumalaw ang anak ko kaya naputol ang iniisip ko. Agad ko itong niyakap. "Shhhh, andito lang si mama. Matulog ka pa anak" Mahinang sabi ko. Nakapikit ang dalawang mga mata nito at bumalik din naman sa pagkakatulog. Habang nakatingin ako sa mukha ng anak ko. Napangiti ako, ang cute cute nito at nakakagigil na halikan. Itinaas k
اقرأ المزيد