Dominic's POV Dahil sa nangyari, nanatiling nakasandal si Abby sa dibdib ko. Labis labis ang pag alalang nararamdaman ko sa kanya kanina. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko. Kalahati ng buhay ko ay nasa peligro. "Sir, hindi ba natin idadaan si Ms. Abby sa kanila??" Untag na tanong ng driver ko. Yumuko ako at nakitang nakapikit pa rin ang dalawang mga mata nito. Mahimbing na mahimbing na natutulog ang mala-anghel na mukha nito. "No! Sa condo ko" Mahinang utos ko. Tumango tango naman si manong at tumingin pa sa mukha ni Abby gamit ang maliit na salamin sa harapan. "Ah-ahh okay sir, pasensya na" Pagkatapos sabihin iyon ni manong. Marahan na inihilig ko ang ulo sa likod ng upuan at hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ni Abby. Hanggang sa pumasok ulit sa utak ko si Congressman Martin. Naikuyom ko ang mga kamao ko. "Fuck! Nagkamali ang congressman na iyon sa binabangga niya" Walang sinuman, simula pa noon ang may lakas ng loob na kalabanin ako. Lalong lalo kung ang us
اقرأ المزيد