Abby's POV "Kasi po nakita ko po kayong nalulungkot habang nakatingin sa TV kanina. Bakit mama? Inaway ba kayo ng taong iyon??" Hindi ko inaasahan ang itatanong sa akin ng anak ko. Pakiramdam ko, nanigas ang katawan ko at di agad nakapag-isip ang utak ko. "A-anak nagkakamali ka. Hindi malungkot si mama kita mo nga nakangiti ako oh" Nauutal utak na sagot ko sabay malapad na ngumiti sa kanya. Para hindi na ito magtanong pa. Kiniliti ko ang tagiliran nito. "Mama, nakikiliti po ako" Sabi nito habang cute na cute na malakas na tumawa. Dahil sa cuteness nito. Hindi ko ito tingilan hanggang sa mahiga na kami pareho sa kama. "Mama please nakikiliti po ako" Tawang tawa pa rin na sabi nito. "Hmmm ang baby boy ko. Ang laki laki mo na talaga. Humanda ka ikikiss ka pa lalo ni mama" Sabi ko at patuloy pa rin sa pagkiliti sa kanya. Halos di na makita ang mga mata nito sa kakatawa. Hanggang sa natigil kaming dalawa ng biglang pumasok si Ela. "Ate, may naghahanap sayo" Bungad na sabi
Read more