"Mom, nandito lang kami at naghihintay sa paglabas ninyo sa operating room!" Kausap ni Camela sa ina habang hawak ng mahigpit sa kamay na walang dextrose.Ngumiti si Tanya sa anak at gumanti ng pisil sa kamay nito. "I'll be ok, huwag kayong mag alala nang husto sa akin."Nakagat ni Camela ang ibabang labi at napilitang bitiwan na ang kamay ng ina at mag give way para sa iba pang nais kausapin ang ina niya bago dalhin sa loob ng operating room.Hinalikan ni Edlyn ang ina sa noo saka ngumiti dito. "I love you, mom!""I love you too, anak, kayo ng ate mo!"Pilit na ngumiti si Edlyn at ayaw niyang ipakita sa ina na nag aalala din siya na baka hindi nito kayanin habang nasa loob ng operating."Hon, I'm here!" Ngumiti si Tanya nang marinig ang tinig ng asawa na nasa likod ni Edlyn. Tumabi ang anak niya at ang ama naman nito ang humawak sa kamay niya. Nang lumapat ang magaan na halik nito sa labi niya ay pumikit siya at ninamnam iyon. Gusto niyang bauinin ang masasayang alaala ng buong pami
Read more