"Huwag ka na ngang umiyak at baka mamana pa ng anak natin." Pagsusungit ni Camela sa binata nang mahawakan na nito ang palad niya."Sorry, love, its a tears of joy!" Mabilis niyang inangat ang palad ng mapangasawa at hinalikan ang likod niyon, bago inakay ito palapit sa altar.Magkahawak kamay na humarap sila sa pare habang nakaluhod. Hindi binitawan iyon ng binata hanggang sa matapos ang seremonyas sa kanilang kasal. Mas masaya siya sa kasal nila ngayon kaysa noong una. Wala rin gasinong bisita noon unlike now. Walang nang sapilitang nangyari sa pagkakataong ito. Kung noon ay ang dilim ng anyo ni Rashed sa pagharap sa nagkasal sa kanila, ngayon ay alam niyang naiiyak ito dahil sa tuwa, katulad niya."I love you, salamat sa second chance na ibinigay mo sa akin!" Marubdob na ni Rashed."I love you too, huwag kang mangako kundi gawin mo kung ano ang sinumpaan natin sa mata ng Diyos at ng mga tao.Nakangiting tumango si Rashed bago sinilyuhan ng halik ang labi ng babaeng asawa na niyang
Read more