Therese Lopez POV"Clyde," bulong ko habang nakatitig sa screen ng tablet ni Leandro. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit nakahoodie siya, kabisado ko ang bawat kilos, ang tindig, at ang hubog ng mukha ng ex ko. Si Clyde ang pumasok sa opisina ko kagabi para magnakaw ng mga files.Tiningnan ako ni Leandro, ang kanyang mga mata ay naniningkit sa galit. "So, it was your ex. He really has the audacity to ruin my project just to get back at you.""I am so sorry, Leandro. Hindi ko alam na gagawin niya ito," sabi ko, tuluyan nang naiyak sa matinding kahihiyan at galit. "Plano niya akong i-frame up para magmukha akong pabaya sa harap mo at ng buong board.""Don't apologize, Therese. You did nothing wrong," seryosong sagot ni Leandro habang pinapatay ang tablet. "Mag-ayos ka na. In thirty minutes, magsisimula na ang board meeting. Let's show them what you are truly capable of."Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang pumasok kami ni Leandro sa main boardroom ng Sandoval Group. Naroon na ang lahat
اقرأ المزيد