Therese Lopez POV Alas-onse na ng gabi nang marating namin ang liblib na probinsya kung nasaan ang lokasyon ni Efren. Sobrang lakas na ng ulan, at ang tanging tumatanglaw sa daan ay ang headlights ng SUV ni Leandro. Pumasok kami sa isang madilim at masukal na eskinita na napapaligiran ng mga matatayog na talahib. Sa dulo niyon, natatanaw ang isang abandonadong bodega ng bigas—luma, kinakalawang, at mukhang multo sa gitna ng gabi. "Therese, stay inside the car," seryosong utos ni Leandro habang dahan-dahang itinigil ang sasakyan sa tapat ng mismong pinto ng bodega. "I'll check the perimeter muna." "No, Leandro. Sabi ko sa'yo sasama ako," pagmamatigas ko, kahit ang totoo ay nanginginig ang buong katawan ko sa takot. "We agreed on this, remember? Walang hihiwalay." Tinitigan niya ako nang mariin, may halo ng pag-aalala at frustation sa kanyang mga mata, pero sa huli ay napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang isang flashlight sa compartment at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "
Last Updated : 2026-06-05 Read more