Therese Lopez POVAlas-siyete pa lang ng umaga, pero parang gumuho na ang buong mundo sa loob ng penthouse.Hindi tumitigil sa pag-vibrate ang phone ko. Sabog ang notifications ko sa Facebook, Instagram, at TikTok. Kahit anong refresh ko, iisang headline ang lumalabas sa mga showbiz at business news pages.“Sandoval-Monteverde Wedding, Cancelled! Billionaire Leandro Sandoval, Iniwan ang Fiancée Para sa Assistant na may Seryosong Kondisyon?”Ang mas malala, trending ang isang leaked medical abstract. Ang pangalan ko, ang diagnosis sa akin ni Dr. Santos at ang Compulsive Sexual Behavior Disorder (CSBD) ay lantad na lantad sa publiko. Ang mga comments? Puno ng pandidiras, pang-uusig, at pambabastos. Ginawa nilang katatawanan at pulutan ang sakit ko."Therese, turn it off. Pakiusap, ibaba mo muna 'yan."Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko kay Leandro. Nakatayo siya sa tabi ng kitchen island, hawak ang isang tasa ng kape na parang lumamig na. Ang mukha niya ay seryoso, madilim, at bakas
Last Updated : 2026-06-03 Read more