Therese Lopez POVAgad na nagbago ang hangin sa paligid nang makalabas kami ng main ballroom. Tahimik ang mahabang corridor na tinatahak namin, ang tanging tunog ay ang clicking ng aking stilettos at ang mabibigat na yabag ni Leandro na sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero bawat hakbang niya ay puno ng layunin.Pumasok kami sa isang pribadong lounge sa dulo ng hallway. Pagpasok ni Leandro, agad niyang isinara ang pinto at ni-lock ito. Ang katahimikan ay napalitan ng mabilis na pagtibok ng aking puso."Therese," tawag niya sa pangalan ko, hindi na Lopez. Ang boses niya ay may halong pagod at pagnanasa."Leandro, what are we doing here? Ang daming tao sa labas—""I don't care about them," putol niya, lumapit siya sa akin nang mabilis. "I saw the way they were looking at you. I saw how they made you feel small.""Hindi naman ako naapektuhan—""Don't lie to me." Hinawakan niya ang aking baba, marahan ngunit may awtoridad, pinilit akong tumingin sa kanyang mga
اقرأ المزيد