MIKYLA POV “Nababaliw ka na ba? Hindi! Ayaw ko, hindi ako papayag!” galit kong sigaw kay Arif. Bakit ba nagdedesisyon ang taong ito ng mga bagay na hindi muna ako kinakausap. Tsaka, ano daw? Ako muna ang gaganap na Zyra? Ganoon ba iyun? Hindi ako isang tao-tauhan na basta na lang niyang mapasunod sa nais niya. Hindi ako papayag “Kayo, samahan niyo si Mikyla sa powder room at pakisabi sa kanila na sundin ang nais ko.” utos ni Arif. Kaagad namang nagsilapitan ang ilan sa mga kasambahay “Teka---teka lang naman! Ano ito? Arif, tumigil ka na ha. Shit, kapag may gagawin kang hindi ko gusto, isusumpa talaga kita!” galit kong sigaw dito kasabay ng paghawak ng dalawang kasambahay sa magkabilaan kong braso. Pilit nila akong kinaladkad papasok ng bahay. Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang. Wala din naman akong laban sa kanila eh. Dalawa sila at pinagtutulungan nila ako Pero, isa lang ang sigurado ko ngayun, hindi ako papayag ng ganoon-ganoon na lang. Makikita ang
閱讀更多