Emilyn's POV " Huwag po kayong maniwala doon,ate Rosa. Malakas lang po ang trip ni sir Gabrielle," nahihiya ko pa na sambit. Ngumiti lang si ate Rosa sa akin sabay napailing. "Mga kabataan talaga ngayon ang kukulit." " Opo, makulit po talaga si sir Gabrielle. Lagi akong pinagtripan n'on," parang batang sumbong ko. " Hayaan mo na ang kakulitan ni sir Gab, Emilyn. Naglalambing lang 'yong boyfriend mo," nakangiting bulalas ni ate Rosa. " Ho? Hindi po," todo deny ako dahil ayaw ko munang sabihin kay ate Rosa. Nakakahiya baka sabihin niya masyado akong assuming. " Hay naku, wag ka nang tumanggi, Emilyn. Kahit hindi n'yo pa sabihin. Alam naman namin na inlove sa'yo sir sir Gab." Hala siya... nakakahiya talaga! " Ate Rosa, wala naman sigurong mali kung naging kami diba?" Napakunot noo ito." Bakit may mali?" " Eh,kasi alam mo na...subrang yaman niya tapos ako nanny lang ni baby Luca.Diba nakakahiya 'yon sa part ni sir Gabrielle?" " Alam mo na 'yan bago mo pa sinag
Read more