Emilyn's POV At sa simpleng yakap na iyon, mas lalo kong naunawaan ang isang bagay. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa presyo ng mga regalong ibinibigay sa iyo, sa laki ng bahay na tinitirhan mo, o sa dami ng perang kayang gastusin ng taong nagmamahal sa iyo. Minsan, makikita mo ito sa isang lalaking handang maglaan ng oras para samahan ka sa pamimili. Sa isang taong nakikinig kapag sinasabi mong hindi ka komportable. At sa isang bilyonaryong nakatayo sa kusina, nagluluto ng steak kasama ang babaeng mahal niya, kahit may kakayahan naman siyang ipagawa ang lahat sa iba. Hoy...ang drama ko ngayon. Gi atay na talaga para akong maiiyak sa ganap sa araw na ito. Sana tuloy-tuloy na itong kaligayahan namin. Nang matapos kaming kumain, sabay naming niligpit ang mga plato at nilinis ang kusina. Siyempre, hindi rin nakaligtas ang mukha ko sa kaunting halik na ninakaw niya habang naghuhugas ako ng pinggan. “Gabmon!” “What, love?” “Last na iyan!” Ngumisi siy
Read more