Emilyn's POV Nakaalalay lang si sir Gabrielle sa pagbaba namin sa eroplano. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay na akala mo naman mawawala ako. Balik Maynila na naman ako ulit. Kung ako talaga ang tatanungin, medyo bitin pa iyong bakasyon namin dahil marami pang mga lugar na magaganda ang hindi pa namin napuntahan ni sir Gabrielle. May susundong driver sa akin ngayon papuntang Tagaytay. Kaya si sir Gabrielle ay nagpasundo na lang din sa driver niya. " Ngayon pa lang namiss na agad kita,love." Aniya. Nasa labas na kami ng airport naghihintay sa bawat sundo namin. Ganoon pa rin ang kanyang ayos n'ong umuwi kami sa probinsya.Nakasuot siya ngayon ng jacket, nakasumbrero at nakasuot ng itim na salamin. Kaya gwapong-gwapo na naman ako sa kanya. " Bolero mo, isang linggo din tayong magkasama sa probinsya,Gabmon." Ani ko. Napakamot siya sa ulo niya. " Bitin naman 'yon,love. Alam mo naman ayaw ko nang mawala'y ka sa paningin ko." Pinanliitan ko siya ng mata. " Iyong mg
Baca selengkapnya