Emilyn's POV Hindi ko maiwasang mamangha habang dahan-dahan kaming naglalakad ni Gabrielle sa malawak na pasilyo ng mansyon. Mula sa matataas na kisame, naglalakihang chandelier, mamahaling kasangkapan, hanggang sa mga antigong dekorasyong nakasabit sa dingding, kitang-kita ang karangyaan ng lugar. Hindi ito basta isang mansyon lamang. May kakaibang init at elegansiya itong taglay. "How do you find the place,love?" tanong ni Gabrielle habang nakapamulsa ang isang kamay. Napalingon ako sa kaniya. Nakasuot siya ng simpleng puting polo na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, ipinares sa itim na pantalon. Kahit hindi siya nakasuot ng mamahaling suit, hindi pa rin maikakaila ang pagiging elegante at dominante ng kaniyang tindig. "It's beautiful. Parang bawat sulok nito ay may sariling kuwento," sagot ko. Ngumiti siya. "Actually, this mansion belongs to my mother. She designed almost everything here according to her taste." "Talaga? Mukhang napakaganda ng taste n
Read more