“Sure ka ba talaga na okay na ‘tong gupit ko? Baka mukha akong tarsier na nalagasan ng balahibo ah?!” Aligaga akong nakatingin sa salamin ng comfort room habang pabalik-balik na sinusuklay ang maikli kong buhok gamit ang mga daliri ko. Hindi na ako nagsuot ng wig. Thank you Rowan and Samarah pero tama naman sina Kris, Dylan, at Lander. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para sa iba. Pero hindi din naman ibig sabihin non na hindi na kao pwede mag improve. Siyempre, nag-effort din naman ako ng konti. Naglagay ako ng konting make-up, polbo, eyeliner para naman lumaki ang singkit kong mata, saka lip tint na katamtaman lang ang pula para hindi magmukhang tuyong-tuyo ang labi ko. Haaay, salamat naman sa diyos at kahit papaano mukha naman akong tao. “Gaga, ilang beses ko ba kailangang sabihin sa 'yo na ang ganda mo kaya? Bagay na bagay sa ‘yo, gupit-mayaman! Mukha kang bida sa w*****n na biglang nagka-glow up matapos iwanan ng toxic na ex!” bati sa akin ni Sarah habang nag-aayos di
Huling Na-update : 2026-07-16 Magbasa pa