Kim’s POV “Nakakahiyang sumama doon, Dylan. Hindi ako bagay doon baka mawirdohan lang sa akin ang mga kaibigan mo,” tanggi ko. “I’m not the one who invited you, Lander wants you there. Besides, all their girls will be there too.” “Naku! Oo nga naman Kim, alangan naman na si Dylan lang ang walang dalang girlfriend doon hindi ba?” ani Mama na malapad na malapad na naman ang ngiti, “Dylan anak oh, inom ka muna nitong juice. Fresh orange iyan.” “Thanks, Mama. Tataba na po talaga ako nito, you always prepare food for me.” Tignan mo itong bolero na ito? Pero kapag kaming dalawa lang napakaasim ng ugali niya. Napakasipsip kay Mama! Nang kaming dalawa ka na lang ang maiwan sa sala ay lumapit ako sa kanya saka bumulong, “Ang usapan natin sa parents mo lang tayo magpapanggap. Bakit kailangan ko pang pumunta doon? Alam naman nila Lander at Kris kung ano talagang meron sa atin hindi ba?” Tumango siya, “Yeah. But Kim, this is not an invitation because of our deal. It has nothing to d
Huling Na-update : 2026-07-06 Magbasa pa