Jhen “Hija, mabuti dahil tapos ka na. Tumawag na si Direk Yurich, nagtatanong kung matagal pa ba matapos," saad ng Nanay Cristy paglabas naming apat ng make-up artist ko galing sa aking k'warto. Tatlo kasi sila kasama ko iyong dalawa ay magkatulong sa pag-make-up sa akin. Ang isa naman na kasama siya ang naghahawak sa laylayan ng wedding gown ko para hindi ko maapakan ang laylayan nito. “Katatapos lang tara na po,” sagot ko sa kaniya at nauna na akong lumakad. Kinuha naman ng Nanay Cristy sa akin ang bitbit kong pouch para daw hindi ako mahirapan maglakad. Kaya may dala akong pouch dahil naroon ang phone at wallet ko. "Kinulit ka po ba, 'nay?" naka bungisngis ko na tanong sa kaniya. Nakangiti siyang tumango. Mukhang naaliw pa siya sa pagiging OA ng magiging asawa ko. 'Asawa' pagkabanggit ko sa salitang iyon lihim akong napatili sa kilig. Ilang oras na lang kasi mag-asawa na talaga kami ni Yurich Martinez. "Kinantiyawan ko nga tinatamad ka pumunta," saad ng Nanay kaya bumun
閱讀更多