Jhen Makalipas ang halos Isang oras ay nakararating kami sa bahay nila Direk Yurich. Pagkabukas pa lang ng malaking gate, ay hindi na maitago sa mukha ng kambal ang excitement nila. Simula umalis kami sa bahay hanggang dito. Walang tigil bibig nila sa pag-uusap dahil nagkwento itong si Queendra sa na-i-imagine n'yang bahay ng Tatay nila. Na para bang may alam kay bata pa, parang seven years old kung mag-usap. “Woah! Super duper pala ang laki naman po pala ng bahay niyo, Tatay,” saad ni Queendra at hindi pa talaga tapos dahil dumukwang sa Tatay niya, para pansinin siya, papansinin naman talaga siya kahit na hindi n'ya iyon gawin. "Nagustuhan niyo ba?" malambing na sagot ng Tatay nila. "Opo," magkasabay nilang tugon. Napangiti ako habang nakatanaw sa napakalawak na bakuran. Malaki nga at sobrang ganda ng mansion. Napapalibutan ito ng mga puno, makukulay na bulaklak, at isang malawak na hardin. “Bahay ito ng lolo at lola niyo,” saad ni Direk. Lumingon tuloy ako sa kaniya bi
Read more