Jhen Iniwan ko muna si Daddy at Direk Yurich sa sala para ihanda ang k'warto ni daddy. Pero bago iyon, nagtungo muna ako ng dining area para sabihin sa Nanay Cristy, maglabas ng meryenda para kay Direk. "Nay! Busy ka naman po mahaba pa oras para sa lunch," saad ko nang hinahanda na n'ya ang lutuin para sa lunch namin. Iniwan niya ang ginagawa at nilapitan ako. Tumigil naman ako sa dining table ngunit nanatili akong nakatayo habang nakahawak ang isa kong kamay sa dulo ng table. "Sobrang na-sorpresa ako anak sa nangyari sa daddy mo. Hindi mo talaga masasabi ang panahon, pero alam ko ito na ang matagal mong pinagdarasal, na sana magkasundo ulit kayo ng daddy mo at ito na iyon. Wala talaga impossible kapag nagtiwala sa Diyos, dahil binigay n'ya ang hiling mo muling bumalik sa dati ang daddy mo." "Sobrang saya po Nanay Cristy," wika ko pa sa kaniya. "Kitang-kita ko Jhen. Pero maiba ako. Grabe iyang Tatay ng kambal masyado mabilis mag-isip. Ikaw anak, hindi ka ba inaalok ng kasa
Read more