Jhen "Sir Yurich," saad ulit ni Queendra na para bang isang anak na sabik sa pagdating ng kaniyang ama. Para na akong ipinako sa aking kinauupuan dahil sa pag-uusap nila dalawa lalo pa parang tumingin sa upuan ko si Direk Yurich. Sa ngayon wala pa itong reaksyon dahil hindi n'ya pa ako masyadong nakikita kasi naka sideview pa ako ngayon, pero paano kung humarap ako sa kaniya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito pero sa totoo lang sobrang kinakabahan ako. Iba ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko iyon maintindihan. "Hi, sorry pretty dahil late ako," "It's okay po at least nga po dumating ka po. Tamang-tama po makikilala mo na po ang Nanay namin ni Kuya Quentin," puno ng kasiyahan ang boses ni Queendra. “Nanay, dumating po si Sir Yurich,” walang kasing saya ang boses ni Queendra habang ramdam ko silang dalawa ay patungo sa p'westo ko. "Hi, Kuya Quentin," pagbati nito sa lalake kong anak. "Hello po Sir Yurich," naulinigan ko pa sagot ni Quentin sa kaniya. "Mukhang pagod na
Magbasa pa