Napangiti ako nang maramdaman ko mayroon humahalik-halik sa magkabila kong pisngi, kaya biglang nawala ang antok ko lalo pa pagigil pa akong hinahalikan sa magkabila kong pisngi. Kahit nakapikit ako nakangiti akong niyakap sila naulinigan ko ang masaya hagikhik nilang dalawa. "I told you, Queendra, shhh ka lang niyaya mo kasi ako lakasan kiss kay Nanay," bulong pa ni Quentin sa kapatid n'ya akala yata nagambala nila ang tulog ko. Quentin and Queendra, kambal kong anak na lalaki at babae. Sila ang inspirasyon ko, at sa lahat ng pagsisikap ko sa buhay ay para sa future nila. “Hi, good morning mga mahal ko,” malambing kong pagbati sa kanila sabay pareho ko silang pinisil sa ilong nila. "Good morning din po, Nanay," sabay pa nilang sabi sa akin hinalikan ulit ako pero ngayon sa noo ko naman. "Ang saya naman ng umaga ko," wika ko sa kanila at nagustuhan nila dahil kinilig pareho. Bumungisngis ako nang bumangon ako para sumandal sa headboard ng kama inalalayan pa nila akong dala
Last Updated : 2026-05-10 Read more