Jhen Flashback.... "Sweetheart, hayaan mo na lang bata pa si Jhen, hindi n'ya pa alam ang ginagawa niya kaya naiintindihan ko," malumanay pa na sabi ng madrasta ko, sabay hinawakan niya si Daddy sa braso para lambingin ngunit namumula pa rin ang pisngi ni dad sa galit. Hindi ako naniniwala sa bait-baitan nito. Isa rin si Tita Joy sa gustong mawala ako rito sa bahay, dahil gusto nila masolo pera ni daddy. One time narinig ko kasi malaki raw binibigay na allowance ni daddy sa akin para sa kanila na mapunta ni Ara. Pinalampas ko iyon dahil ayaw ko ng away. Magaling pa naman sila umarte. "Tito, okay lang naman po kung sa Pangasinan na lang kami. Si Jhen po ang totoo mong anak kaya may karapatan siya rito. Pero hindi ko po magagawa ang binibintang ni Jhen. Ang totoo n'yan Tito, siya po ang nagdala roon sa drum tapos sinunog n'ya saktong dumating kami ni Ara, pinigilan namin siya. Pero nagalit lang siya at sinabunutan kami ni Ara. Iyon pala plano n'ya baliktarin ang pangyayari pa
Read more