MARTINA Kasalukuyan na nasa harapan ko ngayon ang doctor na nag momonitor sa kalagayan ni tatay ng biglang dumating si Warren. Agad kaming nagkatinginan ng makita nitong nasa kuwarto si Dr. Yohann. Napatingin din ako sa kama kung saan natutulog si tatay. Mahimbing pa rin natutulog at tila hindi alintana ang mga taong nakapaligid dito. “Magandang araw po doc.” Narinig kong bati ni Warren kay Dr. Yohann. Tumango ito pagkatapos. Nakita ko ring inilagay ni Warren ang mga supot ng pagkain na dala nito sa mesa. “May dala akong mga pagkain Tin, kumain ka muna. Kayo po doc, baka gusto nyo rin pong kumain?” walang ano-ano ay tanong nito kay Dr. Yohann. “Thank you, katatapos lang.” sagot nito kay Warren. Salitan kong sinulyapan ang dalawa habang nagpapakiramdaman ang mga ito sa tabi ko. “Kumusta po pala ang kalagayan ni Tatay Antonio, doc?” hindi nakalimutang itanong ni Warren kay Dr. Yohann. “He’s okay, s
Magbasa pa