“Iyan lang naman ang trabaho mo. Kahit pa secretary ka na ngayon, o kahit maging CEO ka pa, ang gawaing bahay pa rin ang pangunahing responsibilidad mo, Jenesis!” sabi ni Yngrid, may halong panlalait sa tono.Tahimik lang si Jenesis, nakayuko.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, parang pinapaalala sa kanya kung ano talaga ang lugar niya, hindi bilang asawa ni Caizer, hindi bilang sekretarya ni Raoul, kundi bilang katulong sa bahay na ito.Huminga siya nang mabagal, tila bumibigat ang mga mata. Yumuko siya para pulutin ang walis. Tahimik. Walang reklamo. Walang depensa.Dahil sa bahay na ito, ang pananahimik lang ang tanging paraan niya para mabuhay.Unti-unti niyang itinaas ang ulo at tiningnan ang dalawang hipag niya, may maliit at mahinhing ngiti sa labi, sobrang gaan, pero may tama.“Opo, salamat po, ate.”Ngumiti si Jenesis, saka bahagyang yumuko bago tuluyang umalis ng sala, walang kahit anong reklamo.Napatingin sa isa’t isa sina Iris at Yngrid.Sinundan ng tingin nil
Read more